Chapter 38: Torn Between Two Lovers

198 3 0
                                    

Nakasakay sa stretcher si Laura at kasalukuyan na itong dadalhin sa loob ng Emergency Room, simula pa kanina na nasa ambulance sila ay hindi niya magawang bitawan ang mga kamay nito. Natatakot siya para sa kalagayan ng babae, naliligo ito sa sariling dugo at walang katiyakan kung malayo ba ito sa kamatayan.

" Sir, you need to let her go,ipapasok na po namin siya sa operating room," wika ng isang nurse na lalaki sa kanya. Pilit nitong tinatanggal ang kamay niya mula kay Laura.

Hinawakan niya ang nurse sa kwelyo ng suot nitong white uniform.

"Please do everything to save Laura, she's my beloved, I don't want to lose her!"

Hindi sumagot ang nurse na lalaki.

" Ako ang doctor niya, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para maisalba ang buhay niya," wika naman ng isang lalaki sa gawing kaliwa niya.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, namalayan na lamang niya na nag-iisa siya sa labas ng operating room, hindi niya napigilan ang tumangis, nag-uunahan ang mga luha niya sa pag-agos mula sa kanyang mga mata.

Ang bigat-bigat ng dibdib niya na tila ba anong oras ay sasabog ang puso niya. Noon lamang siya nakaramdam ng ganoon katinding kapighatian, mas matindi pa kumpara sa lungkot na naramdaman niya noong iwan siya ni Laura dahil sa pangyayari ngayon ay hindi niya alam kung may pag-asa pa ba na magkausap silang dalawa, dahil mas nanaisin pa niya na malayo si Laura na alam niya na ligtas ito at buhay kaysa ngayon na malapit lamang ito ngunit nag-aagaw-buhay naman.

Isang kamay ang biglang pumatong sa kaliwang balikat niya.

" Bro, I heard the news, lakasan mo lang ang loob mo, let's pray na maging safe si Laura," si Timothy iyon na kababakasan din ng matinding lungkot at pag-aalala ang mukha nito.

" Bakit ngayon pa nangyari ito? Bakit kailangang sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkita ni Laura? Kung bakit ba kasi naduwag akong sundan siya noon, kung bakit kasi pinairal ko ang pride ko noon, kung bakit... kung bakit..." nanggigipuspos na wika niya sa kaibigan. Nanghihinang napaupo siya at naihilamos niya ang dalawang kamay sa luhaan niyang mukha.

Napakahirap ng sitwasyon nila ngayon. Kung maaari lang sana na siya na lamang ang nasaktan at huwag na lamang ang babae, dahil ngayon ang pakiramdam niya nasa bingit din ng kamatayan ang buhay niya, dahil hindi man niya aminin simula pa noong mahalin niya si Laura ay ito na ang naging buhay niya.

" May awa ang Diyos, Philip, hindi niya basta pababayaan si Laura. Magtiwala lang tayo, malalagpasan ni Laura ang lahat ng ito," pagpapalakas ng loob na wika ni Timothy sa kanya.

At nagdilang-anghel nga si Timothy.

Pagkaraan ng mahabang sandali ay lumabas ang doktor na kausap niya kanina. Sinabi nito na malayo na sa kapahamakan si Laura ngunit kailangan pa nitong manatili sa ICU para sa ilang laboratory tests na kakailanganin nito.

" See. I know right, ligtas na sa wakas si Laura!" Nasisiyahang wika ni Timothy.

" Thanks God! She's alright," mahinang bulong niya.

Nailabas na sa ICU si Laura at dalawang araw na ang nakalilipas ng mailipat ito sa isang pribadong silid ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakamalay.

" Maya, how is she?" Bungad na tanong niya sa kasalukuyang nagbabantay kay Laura, ang matalik nitong kaibigan na si Maya.

" Hindi pa rin siya nagkakamalay,Philip. Pero sabi ng mga doctors stable naman na daw ang mga vital signs niya," salubong na balita nito sa kanya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now