"That was the thing about best friends. Like sisters and mothers, they could piss you off and make you cry and break your heart, but in the end, when the chips were down, they were there, making you laugh even in your darkest hours."― Kristin Hannah, Firefly Lane
**********
Laking gulat niya ng may isang kamay na may hawak na asul na panyo ang biglang lumitaw sa harapan niya, iniangat niya ang tingin sa mukha ng may-ari niyon at namilog ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino ito.
"Like what I have thought,iyakin ka pa rin," Nakangiting mukha ng isang matangkad,maputi,chinito at guwapong lalaki ang nasilayan ng kanyang mga mata.
"Yuan?!Yuan ikaw ba talaga 'yan!?" Hindi makapaniwalang napatayo si Laura sa kinakaupuang bench. Napayakap siya sa lalaking nasa harapan niya.
Si Luxio Yuan Sy!
Ang nag-iisang lalaking best friend nila ni Maya.
Gumanti naman din ng yakap ang best friend niya.
"Whoa!I missed you,Laura!It's been a couple of years na rin ng huli tayo'ng magkita," nakatawang wika ng best friend niya.
" Hay naku sinasabi ko na nga ba at dito ka namin makikita," boses iyon ni Maya na nasa likuran lamang pala ni Yuan. Nagulat siya ng makita ang isa pa niya'ng best friend.
"Maya,ikaw din. Teka ano'ng ginagawa nyong dalawa rito?" Tila naguguluhan niya'ng wika sa dalawa.
"Kasi naman ito'ng best friend natin biglang sumulpot sa opisina, sakto namang kakaalis mo lang noon eh gustong-gusto ka na niya'ng makita, hayan!Nadamay pa tuloy ako sa paghahanap sa'yo," Natatawa na napapailing lang na wika ni Maya.
Inakbayan naman ito ni Yuan.
"Abala na ba ako sa'yo ngayon,bebeloves?!" Malambing na wika nito at kumindat pa talaga siya kay Maya.Nag-blush tuloy ang kaibigan niya.Pero binatukan lang din nito si Yuan dahilan para matawa siya.
Hindi naman kasi si Yuan ang madalas tumawag kay Maya ng "bebeloves" kundi si Gion, ang lalaking minsan ay naging bahagi ng buhay ni Maya.
"Bebeloves ka dyan! Naku, wag mo ko simulan Yuan at baka lagay na nakakalakad ka ngayon ay pilayan kita," banta ni Maya sa best friend nila. Dumistansya naman si Yuan dito.Sumenyas naman ng "peace" sign si Yuan.
"Ooops sorry na,bebeloves, este, Maya pala," wika nito na nang-aasar pa rin at dahil doon pumorma si Maya na sisipain sana si Yuan pero mabilis nakailag si Yuan. Tumakbo naman ito ng tila hindi talaga magpapapigil si Maya na turuan ito ng leksyon.
Tumatawa lamang siya na pinagmasdan ang dalawang matured enough "sana" na mga kaibigan na ngayon ay tila mga bata na na naghahabulan sa park.
Nang mapagod ang dalawa ay inaya sila ni Yuan sa isang Chinese Restaurant na paborito nito'ng pagdalhan sa kanila ni Maya kahit noong mga college students pa lamang sila.
Si Lucio Yuan Sy aka Yuan ay halos ka-edad lamang nila ni Maya, twenty-two na rin kasi ang lalaki pero baby-faced din ito na gaya nila ni Maya kaya mas madalas din ito'ng pagkamalang teenager kasya nasa early twenty's na. Madalas din naman na childish ito pero as per Yuan "manly" naman daw siya sa maraming bagay.
"Manly ka dyan, I'm sure hanggang ngayon adik ka pa rin sa mga pc games mo at for sure sumasali ka pa rin sa mga tournament ng DOTA," hindi sumasang-ayong wika ni Maya. Kasalukuyan na sila noon na kumakain ng dessert; apple pie ang kay Maya,blueberry cheesecake naman ang sa kanya at sa halip na pastries ay taro milktea naman ang kay Yuan. Paborito kasi talaga ng lalaki ang kahit ano'ng flavor ng milktea.
