Chapter 15: The Jealous Man (Knocking Out A Beast)

382 12 0
                                    

"And yes, I'll admit, I am jealous. I'm jealous of every minute you spend with him, of every concerned expression you send his way, of every tear shed, of every glance, every touch, and every thought. I want to rip him to pieces and purge him from your mind and from your heart. But I can't." ― Colleen Houck

Isang araw, naisipang ipasyal ni Philip si Laura sa rancho na pag-aari niya, matatagpuan iyon sa isang probinsiya sa bandang South.

Kasalukuyan sila noon na naglalakad sa kwadra ng mga kabayo.

" Ikaw Philip mahilig ka bang mangabayo? " Wala sa loob na tanong ni Laura.

" Not really, pero mahilig ako sa mga kabayo, " kaswal lang na sagot niya.

" Alam mo si Yuan marami rin sila'ng alagang kabayo sa rancho nila. Saka ang galing ni Yuan sa pangangabayo, ilang beses nga rin siya nag-champion sa mga equestrian contest, " masiglang kwento ni Laura sa kanya. Hindi agad siya nakasagot.

" Ah, I see, " walang kabuhay-buhay na sagot niya sa nobya. "Teka gusto mo ba sumakay sa kabayo I can give you a ride if you want?" Dugtong niya sa sinabi kanina para hindi naman makahalata ang nobya niya sa anumang pinagdaraanan niya ng mga oras na 'yun.

Umiling ito pero ngumiti naman sa kanya.

" Hindi ako sumasakay ng kabayo. Una't huli kong sakay sa kabayo ay noong seventeen years old ako, " simulang kwento nito.

" Then what happened? " Pagpapakita niya ng interes sa kwento ng nobya.

" Ayun nahulog ako. Pero buti na lang andun si Yuan at nasalo niya ako.Hehe.Matigas kasi ang ulo ko noon pinilit ko siya na isakay ako sa kabayo niya'ng si Thunder, ayun tuloy napala ko, " lumabi pa ito pagkatapos magkwento. Blangko lang ang naging ekspresyon niya.

" Alam mo ba si Yuan lang ang lalaking naging malapit sa amin ni Maya. Pareho ata kami ni Maya na may phobia sa mga lalaki noong mga college days pa namin. Pero iba kasi sa lahat si Yuan, mabait, malambing at very humble siya. Hindi katulad ng ibang lalaking nakikilala namin sa campus noon na mayayabang na akala mo naman mga gwapo, " pagrereminisce ni Laura sa nakaraan. Hindi naman siya kumibo.

" May sakit ka ba Philip? " nag-aalalang tanong nito.

" Wala bakit? " sagot niya rito.

Biglang kumunot-noo naman si Laura.

" Matamlay ka kasi, " medyo pabulong na wika nito. Napabuntong-hininga lang siya.

" I'm okay, gutom lang siguro ako. Halika kumain na muna tayo sa villa then after that iuuwi na kita, " wika niya rito at kinuha pa ang kamay ni Laura kaya holdings hands while walking lang ang drama nila'ng dalawa.

Sa villa na sila nag-dinner ni Laura.

" What can you say about the food? " usisa niya sa nobya.

" Masarap. Alam mo ba paborito ni Yuan ang bulalo? " Banggit na naman nito sa bestfriend.

" Super close talaga kayo ni Yuan no, I'm wondering bakit hindi naging kayo, " may pagka-sarcastic na wika niya rito. Pero hindi 'ata 'yun naramdaman ni Laura dahil sa halip ay natawa lang ang nobya. Akala ata nito nagbibiro siya.

" Super close talaga. Parang kapatid na ang turingan naming dalawa,teka,di ba nasabi ko na 'yun sa'yo? " nakangiting turan ni Maya sa kanya.

" I see, " passive na sagot niya sabay subo sa pagkain.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now