Ang bilis naman ng araw five days na pala simula ng dumating sila sa Ilocos. Marami na rin silang napuntahan na mga tourist spots kagaya ng Heritage site sa Vigan pati ang Vigan Cathedral kung saan sila nagkakilala ng personal ni Philip. Napuntahan na rin nila ng mga kaibigan niya ang Baluarte Zoo at ngayon nga ay Friday plano naman nila puntahan ang Bangui Windmill at ang Pagudpud. Pero dahil 7:00 A.M. pa lang noong umalis sila sa bahay ni Tita Hilda naisip nila na pumunta muna ng Kabigan Falls."Sa wakas nakarating din," Masayang bulalas ni Maya. Tinapik naman ito sa balikat ni Franz. "Oh,wag masyadong excited," nakangiting sabi niya sa kaibigan.Lumabi lang dito si Maya.
" Wait,girls kailangan pa muna natin magparegister," si Froilan iyon, ang guwapong pinsan ni Franz. Ito kasi ang tumatayong tour guide nila at driver. Agad naming nakalapit ditto si Maya at abot-tainga ang ngiti nit okay Froilan, walang duda may crush nga it okay Froilan.
"Halika samahan na kita sa registration," at nagpatiuna na talaga si Maya sa kanila, hinila pa nito sa isang braso si Froilan. Hindi naman niya napigilang mapatingin kay Claud, pero dedma lang naman ang isa pa niya'ng kaibigan na walang duda naman na type ni Froilan, dahil ng hinila ito ni Maya ay napatingin ito sa direksyon kung saan nakatayo si Claud. Hay naku manhid ata talaga ang kaibigan nila na 'yun. Napa-iling naman siya sa naisip.
"Mukhang maganda rito, maeexperience natin ang mag-hiking," wika ni Philip na nasa likuran niya lang pala. Medyo nagulat naman siya. Oo nga pala kasama rin pala nila ang lalaki. Napabuntong-hininga siya dahil sa limang araw nila'ng pamamasyal ay kasama nila ang binata.Somehow,hindi na rin strange ang tingin niya rito. Medyo nasasanay na rin siya sa presensiya ng lalaki at aminin man niya o hindi ay masaya siya kapag kasama nila si Philip.
" Ang sabi ng magiging tour guide natin mga 20-30 minutes din na hiking ang gagawin natin," si Franz 'yun na binalikan pala sila sa van.
"Awww... meaning 20-30 minutes tayo'ng magbibilad sa araw?" may pagkairitableng wika ni Priscilla na hindi pa rin bumababa sa van. Kinuha nito ang bag at may hinanap doon,inilabas nito ang isang malaking bote ng sun block. Napangiti lang siya sa pagiging banidosa ng kaibigan.
"Sige na ipampaligo mo na 'yang sun block na dala mo," pang-aasar dito ni Franz. Inirapan lang ito ni Priscilla.
"Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko ah, ganyan lang talaga sila ka-sweet sa isa't-isa," bulong niya kay Philip.
"Sanay na ako saka masaya naman sila'ng kasama," nakangiting wika nito sa kanya. Ooops ayun na naman ang killing smile ng lalaki, shocks! Siya ata ang di pa rin nasasanay sa kilig na idinudulot nito sa kanya.
After five minutes ay natapos din sila sa pagpaparegister at may dalawang tour guides sila na kasama sa paglalakad papuntang Kabigan Falls,isang babae at isang lalaki na pareho pang nasa edad 16 or 18 siguro.
"I love it, nature tripping," bulong sa kanya ni Philip sabay langhap sa sariwang hangin. Nahuhuli sila sa paglalakad habang nauuna naman sa grupo nila si Froilan at si Maya. Nasa kabilang gilid naman ni Maya si Claud na abala sa ginagawang pagkuha ng mga pictures. Si Franz naman ay kinakausap ang mga tour guides, habang si Priscilla naman ay nasa unahan nila at panay ang selfie kahit na may hawak ito'ng payong.
"Sinabi mo pa ang ganda rito,tahimik at malayo sa polusyon,ma-mimiss ko ito pagbalik natin sa Manila," nakangiti pero medyo malungkot ang tinig niya.
"Ako din mamimiss ko ito,pati na lalo ikaw,Laura," makahulugang sagot naman ni Philip. Napatingin naman siya rito at nakita na naman niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Nang hindi na niya mapigilan ang mga titig nito ay ibinaling niya sa ibang direksyon ang mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)