Chapter 9:Kind of Tears

299 10 0
  • Dedicated to Regine Pactanan Delima XD
                                    

"Life will break you. Nobody can protect you from that, and living alone won't either, for solitude will also break you with its yearning. You have to love. You have to feel. It is the reason you are here on earth. You are here to risk your heart. You are here to be swallowed up. And when it happens that you are broken, or betrayed, or left, or hurt, or death brushes near, let yourself sit by an apple tree and listen to the apples falling all around you in heaps, wasting their sweetness. Tell yourself you tasted as many as you could." ― Louise Erdrich, The Painted Drum LP

She was born elite in the Upper Class Society.Her family owns one of the largest telecommunications company in North America and their family is also known in the political world,because some of her relatives are public servants of the State.She has everything- money,power and beauty.One glance at her and for sure you'll be captivated with her charms. Others called her the Goddess of the North,because of her irresistible beauty.But behind that pretty face is a lonely soul.

Maaaring isipin ng iba that she's perfect,lucky enough to possess all those things.But for her it's a Big CURSE!

Oo. Sumpa niya'ng maituturing ang lahat ng magagandang bagay na ikinaiinggit sa kanya ng marami, dahil sa taong katulad niya mailap ang Totoong Kaligayahan.

Bata pa lamang siya, nababalot man siya ng lahat ng yaman sa mundo, pero ni minsan hindi niya naramdaman ang personal na pag-aalaga ng mga magulang niya. Lagi sila'ng busy to the point na halos lumaki rin siya na madalang lang kung mabuo sila sa dining table. Kaya nasanay na lamang siya mag-isa sa pagkain.Kung tutuusin mabuti pa nga 'yun mag-isa siya dahil kapag nakakasama naman niya ang mga magulang ay madalas pa sila'ng mag-away,kundi dahil sa negosyo ay sa bisyo ng mama niya sa casino o kaya tungkol sa kabit ng papa niya ang root ng away nila.

There's no compassion or love between them, bakit naman hindi?

Eh bunga lang naman ng isang arranged marriage ang relasyon ng parents niya at ni minsan di nila naturuang mahalin ang isa't-isa. Kung paano pa siya nabuo at naging tao marahil ay bahagi na lamang 'yun ng pagpapanggap ng mga magulang niya na outside their home ay kilala sa pagiging "perfect couple".

Uso rin inside their family ang word na deception. Bakit nga ba hindi? Ilang beses na ba nagkaroon ng hidwaan ang iba niya'ng relatives dahil lang sa kagustuhan ng mga ito na maging angat pang lalo sa isa't-isa. Best example dyan ang mga kamag-anak nila na pumapasok sa pulitika,'yun tipong magkadugo man pero magkaiba pa ng partido.Kesyo magkaiba rin kasi sila ng mga pananaw at ipinaglalaban.

What a shame!?Puro kaplastikan lang naman.

At marami man siya'ng suitors at admirers,alam niya,it's either they are a FAKE or a USER. Sila lang naman 'yung mga klase ng tao na dala na lamang ng manners kaya sinisikmura ko pa'ng pakisamahan.

Mabuti na lamang walang plano ang mga magulang niya na ipagkasundo siya sa isang lalaki na hindi niya kilala.Marahil natuto na ang mga ito sa nangyari sa Kuya Cedric niya na sa halip na magpakasal sa babaeng hindi niya mahal ay mas pinili pa ang magpari. And her parents disowned him for doing that pero syempre sila'ng family members lang ang nakakaalam at hindi ang outside world.

Napabuntong-hininga sya.Sumisikip talaga ang dibdib niya kapag naiisip na lumaki siya sa karangyaan pero hindi sa pagmamahal.

And the first night she met Philip,alam ko sa sarili ko na natagpuan ko na ang kaligayahan ko sa piling ng lalaking unang minahal ko.

"I said let me go!"Hiyaw niya sa isang matangkad at gwapong lalaki pero nuknukan naman sa bastos at yabang.

Kinaladkad siya nito sa malawak na garden ng bahay ng kaibigan niya,kung saan sa loob niyon ay may nagaganap na Social Party na para lamang sa mga katulad niya na galing sa Upper Class.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now