Chapter 21: Yuan's Memories (A Love from the Past) Luhan Fanfic

639 9 0
                                    

He tried so hard to resist it but he's just a man who fell in love with his bestfriend.

The first day that they had met it was a silly situation, Oh well thanks to Maya.

It was happened five years ago, naglalakad siya noon palabas ng library ng may babaeng morena na may pagkachinita ang biglang kumapit sa braso niya.

" Sino ka ba bakit kung makapulupot ka sa braso ko ay para kang tuko, bitiwan mo nga ako," iritableng wika niya sa petite na babaeng may sampung minuto na atang nakakapit sa braso niya. Ngumisi ito sa kanya.

" Sumunod ka lang sa akin," utos nito at hinila pa siya sa braso. Nagsalubong naman ang mga kilay niya.

" Miss, lunatic ka ba o trip mo lang na pagtripan ako, busy ako sa studies ko at may klase pa ako ten minutes from now kaya pwede ba humanap ka na lang ng ibang mapagtitripan," kaswal na wika niya rito sabay pilit na binabaklas ang kamay nito sa braso niya.

" Hindi kita pinagtitripan in fact humihingi pa nga ako sa'yo ng tulong,' kaswal lang din na wika nito. Inilahad ng babae ang isang kamay sa kanya.

" I am Maya Takigawa, B.S. Civil Engineering student, freshman," pakilala nito sa kanya. Kunot-noo naman na tinanggap niya ang pakikipagkamay nito saglit lang iyon at binitawan na niya agad ang kamay nito.

" So Miss Maya, ano'ng klaseng tulong naman ang kailangan mo sa akin?" Curious na tanong niya rito. Nag-inhale exhale muna ang babae. Napatingin siya sa wrist watch niya, 10 more minutes at next class na niya.

" I really need to go, see you around, Maya," nagmamadaling paalam niya sa babae. Tangka sana siya nito na pigilan sa braso pero nakaiwas siya sabay takbo ng mabilis, hinabol naman siya ni Maya. Naghabulan sila sa hallway ng campus hanggang sa makarating sila sa building ng Architecture and Fine Arts Dept. May isang estudyanteng babae na tumawag sa pangalan ni Maya at out of curiousity ay nilingon niya ang may-ari ng tinig. Hindi niya napigilan ang sarili na mamangha ng makita niya ang mukha nito.

Teka, tao ba talaga siya o isang anghel na nagkatawang-tao? Bulong ng tagong bahagi ng isip niya. Bakit tila napakaamo naman ng kanyang mukha? Dugtong pa ng makulit na tinig sa isip niya.

Wala sa loob na napatigil na pala siya sa ginagawang pagtakbo at ni hindi niya magawang kumurap dahil nasa harap niya ang kauna-unahang babaeng nakatawag sa pihikan niya'ng atensyon.

" Maya! Ano'ng ginagawa mo rito?" Narinig niya na tanong nito kay Maya. Nagkibit-balikat naman si Maya.

" Hinahabol ko kasi ang magiging future boyfriend ko," Seryosong wika nito sabay turo sa kanya. Namimilog naman ang mga mata na tinignan niya si Maya, iyong totoo nasa normal ba talagang pag-iisip ang babaeng ito? Siya future boyfriend nito? Wala sa loob na naituro niya rin ang sarili.

Nilingon naman siya ng babaeng kausap ni Maya. Natigilan na naman siya. Parang pati ata tibok ng puso niya ay tumigil din lalo pa nga at bahagyang ngumiti sa direksyon niya ang mala-anghel na babae.

" Totoo ba ang sinasabi ng bestfriend ko?" Tanong nito sa kanya. Humakbang pa ito palapit sa kanya. Napahakbang naman siya paatras.

" Ha? Eh, ilang minuto ko pa nga lang siya nakikilala," Nalilitong sagot niya rito. Huminto ito may ilang pulgada na lamang ang layo sa kanya. Nagulat siya ng biglang yumuko sa kanya ang mala-anghel na babae.

" Pasensya ka na sa kaibigan ko ah, minsan talaga baliw 'yan," Hinging-paumanhin nito sa kanya. Nag-angat ito ng tingin sabay ngiti ulit ng mas matamis sa kanya. Parang nagliwanag naman ang paligid at huminto na talaga ng tuluyan ang pagtakbo ng orasan. Orasan?Oo nga pala, may klase pa siya! Pagkaalala niya sa bagay na 'yun ay muli siya'ng napakaripas ng takbo.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now