Pagkatapos mag-lunch ay inihatid ni Philip sina Laura at Tita Lisa sa suite na tinutuluyan ng mga ito. Naglalakad na siya noon sa hallway at pabalik na siya sa suite niya pero saglit siya'ng natigilan dahil saktong pagliko niya galling elevator ay natanaw niya agad si Yuan na nakatayo sa pinto ng suite niya. Walang duda na siya ang hinihintay ng lalaki. Marahil ay naramdaman nito na may nakatingin kaya bumaling si Yuan sa direksyon niya. Bahagya naman ngumiti ang lalaki sa kanya. Nagsimula ito'ng lumakad palapit sa kanya.
" Hi," tipid na bati ni Yuan sa kanya.
" What are you doing here?" Pormal na tanong niya rito. Ipinamulsa pa niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pants. Nagkibit-balikat muna ang lalaki.
" I came here to apologize about my behavior last night," kaswal na wika ni Yuan.
Umiling siya.
" No. I was the one to blame about that, kung hindi dumating si Laura kagabi malamang nasaktan na kita. I'm sorry if I lose my temper last night," may sinseridad na wika niya rito.
" I understand, Philip. May karapatan ka magalit sa akin dahil totoo ang mga hinala mo, na mahal ko rin si Laura. But I know my boundaries, kahit noon pa, noong mga panahon na wala ka pa sa buhay niya, masakit man tanggapin pero alam ko na hanggang bestfriend lang talaga ang tingin niya sa akin," may pag-amin na wika ni Yuan sa kanya.
" Don't get me wrong Yuan pero honestly kahit nagseselos ako sa'yo ay nagpapasalamat din ako sa'yo, dahil nagkaroon si Laura ng isang mabuti at mapagkakatiwalaang kaibigan na gaya mo. Hindi lang ako basta nagseselos bagkus ay naiinggit din, dahil mas una ka'ng nagkaroon ng pagkakataon na maalagaan at makilala pa ng lubusan ang babaeng ngayon ay aking minamahal," at wala siyang ibang tinutukoy kundi si Laura.
Tipid ito'ng ngumiti sa kanya. Tinapik din siya sa isang balikat niya.
" In just a few days na nakilala kita I know that you are a good man and you are the right man for Laura. Kaya ngayon ay ipinapaubaya ko na sa'yo ang tungkulin na alagaan at proteksyunan si Laura, " nakangiti man si Yuan ay ramdam niya ang lungkot sa tinig nito. Siya naman ang humawak ng mahigpit sa balikat nito.
" Makakaaasa ka na aalagaan, poproteksyunan at mamahalin ko ng tunay si Laura. Pero sana huwag mo'ng ilalayo ang sarili mo kay Laura dahil alam ko na masasaktan siya. Kaya tanggap ko naman na dalawa tayo'ng lalaki na nagmamahal sa kanya, " Seryosong wika niya.
Natawa naman si Yuan sa mga sinabi niya.
" But of course, sino naman ang may sabi na lalayo ako kay Laura. Siyempre, kahit ikaw na ang boyfriend niya ay ako pa rin ang bestfriend niya. Kaya this time, ikaw naman ang babantayan ko dahil gusto ko'ng makasiguro na tutuparin mo nga ang lahat ng mga sinabi mo ngayon sa akin," nakatawang turan ni Yuan sa kanya. Bahagya na rin siya'ng nangiti dahil may punto nga naman ang lalaki.
" I am a man of honor, Yuan. Wala ako'ng sinabi na hindi ko tinupad," nakangising wika niya rito. Kahit paano ay gumaan na ang atmosphere sa paligid.
" I heard enough, Philip. Pero bilang bestfriend ni Laura iba pa rin iyon nakasisigurado, isa pa hindi ko lang basta bestfriend si Laura, she's like a little sister to me, at hindi ako makapapayag na basta-basta mo lamang siya sasaktan," masaya ng wika ni Yuan.
Tumango-tango siya rito at nagpakawala siya ng isang sincere na ngiti sa lalaki.
" Naiisip ko tuloy bagay ka talaga na maging best man sa kasal namin ni Laura," biro niya kay Yuan. Nagulat naman ang lalaki at nagdudumilat ang mga mata na tumitig sa kanya.