Chapter 29:
Nagpunta sina Philip at Timothy sa isang first-class restaurant na matatagpuan sa Taguig, doon kasi nila kakatagpuin ang isa sa mga VIP clients ng company nila na si Mr. Julio Kang.
They've been there for fifteen minutes when the said client arrived at the restaurant.
"Sorry gentlemen for keeping you waiting, nagkaroon kasi ng conflict sa ibang appointments ko ang meeting natin tonight, I'm really sorry," pormal na hingi ng paumanhin ng lalaking marahil ay nasa edad forty na siguro. He looks so dignified sa suot nito'ng white suit and tie, hindi rin ito nag-iisa dahil may kasama itong maganda at chinitang babae. Ngumiti sa kanilang dalawa ni Timothy ang babaeng kasama ni Mr.Kang.
"Oh I forgot to introduce to you, she's one of my associates, Miss Chelsea Yee. Chelsea this is Philip Banes and this is Timothy Waygard of Banes-Waygard International Developing Construction Corporation," agad na pakilala sa kanila ni Mr.Kang sa babaeng nakangiti pa rin sa kanila.
"Hi, nice to meet you, Miss Yee," agad na inilahad ni Timothy ang kamay sa babae. Masuyong tinanggap naman ng babae ang pakikipagkamay nito.
"Nice to meet you too, Mr.Waygard," malambing na tugon nito.
"The pleasure is mine, Miss Yee," abot hanggang tainga ang ngiti ni Timothy sa babae. Mukhang natipuhan pa yata ng kaibigan niya ang babaeng kaharap.
"Same here, Miss Yee," at siya man ay inilahad ang kamay para makamayan ito. Nang tinanggap nito ang pakikipagkamay niya ay bahagyang pinisil ng babae ang kamay niya. Saglit siya'ng nagulat at napatitig sa mukha ng kaharap, may kakaiba na sa mga titig nito sa kanya, mas malagkit kaysa sa tingin na ipinukol nit okay Timothy. He knows what she's trying to do, she's flirting with him. Agad na lamang niya binawi ang kamay sa babae.
"I've heard a lot of stories about you, Mr.Banes, even the rumors about how good-looking you are and now I can say that all those rumors are true," nasa tinig nito ang paghanga.
Ikiniling lamang niya ang ulo rito. Honestly, he felt a bit of awkward sa ipinapakitang interes sa kanya ng babae.
Nagsimula na sila'ng lumakad patungo sa naka-reserved na table para sa meeting nila with Mr. Kang.
Nang makaupo sila sa mga respective chair na laan talaga para sa kanila ay mabilis ang naging takbo ng kanilang meeting with Mr.Kang. Ganoon kasi talaga siya makipag-deal with their clients wala ng paligoy-ligoy pa. The meeting went so well.
"Okay, it's a deal," ang pagbibigay approval ni Mr.Kang sa kanilang proposal.
Tipid lamang siya'ng ngumiti rito at inilahad muli ang kanyang kamay dito. Pagkatapos niya ay si Timothy naman ang kinamayan dito.
"Thank you, Mr.Kang. Don't worry we will not disappoint you with this project," ang nasisiyahang wika rito ni Timothy.
"I know, I trust your company's integrity, and it's my privilege to be part of your prestigious company," sincere na wika ni Mr. Kang.
"I'm also looking forward to start a work with you guys, congratulations," bati naman sa kanila ni Miss Yee.
Pilit ang ngiti na ibinigay niya sa babae. Sa totoo lang he doesn't want to work with this woman, ewan pero pakiramdam niya kasi being with her means danger. Marahil dahil alam niya na nagpapakita ito ng interes sa kanya dahil simula pa kanina na nag-uusap sila ay hindi na nito inalis ang tingin sa kanya. Kung bakit ba naman kasi ito pa ang kinuha ni Mr.Kang na magrerepresentative sa kumpanya ng kliyente nila.