06

18 1 0
                                    

"Part naman talaga ng buhay 'yon, eh. Ang magkaroon sila ng favorite at doon na nila hindi mare-realize na mayroon na silang hindi napapansin o nakikita."

I sighed and bitterly smiled. This is the first time that I've said something like that to someone. I never said anything like that, anything that would describe my parents well.

"Alam ko naman na mas ka-close ko si Papa. Kakampi ko si Papa sa lahat. Pero alam ko rin naman na katulad ni mama, mas magiging proud si Papa kay Ate kesa sa akin."

"Kien! Come here!" Lumingon kaming dalawa sa nakaputing dress na pormal na babae na nakahawak sa braso ng isang lalaki. That must be his half-sister and her sister's husband, Will's parents. Tinanguan ko si Kien para ipakitang ayos lang ako dito bago siya umalis at iwan akong mag-isa. Nakatitig lamang ako sa kanila na nag-uusap.

I didn't expect Kien's story would be like that. This is the first time he said something about himself. Ako kasi ang palaging bigla na lang dumadaldal kahit hindi naman siya nagtatanong. Hindi ko na tuloy makita na komportable siyang kausap parents ni Will! Parang nakikita ko kasi ay pinipilit na lang din niyang makisama sa kanila kahit na alam niya na ayaw nila sa kanya... We are really the same.

Nakita kong matapos mag-usap nina Kien, kinausap ata ni Kien ang sa tingin ko ay ang host para sa party ni Will. Is this why he's kind to me? Naaawa ba siya sa akin dahil nagkwento ako sa kanya at nafi-figure out niyang hindi ako gano'n kagusto nila Mama? Sabagay, sino ba ang makikipag-kaibigan sa akin dahil gusto talaga nila? I always felt like I was forcing myself... to be their friend.

Tiningnan ko lamang si Kien. I wonder what he's feeling. Nilipat ko ang tingin sa mga batang naglalaro pa rin malapit dito. I saw Misha laughing while playing with Will. Napangiti rin ako. I could be fine because of my sister. Kung si Kien ay may nararamdaman din na katulad ko sa pamilya, si Will kaya ang nagpapatuwa sa kanya?

"Hey." Nilingon ko agad ang nagsalita at nakita ang nakangiting si Kien. He sat beside me.

"I'm sorry. May inasikaso lang doon."

Tumango lamang ako. Gusto ko pa magtanong pero wala akong karapatan at ayoko naman na lumagpas sa limitasyon ko. It's his privacy.

"The party will start soon. Gutom ka na ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Hindi pa."

Kumunot ang noo niya at umiwas agad akong tingin. "What's the problem? You look bothered."

"H-Hindi ah! Wala!"

"Ano nga?"

I pouted. Bumuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa kanya. "Gusto ko kasi magtanong pero... nahihiya ako kasi wala naman akong karapatan malaman."

He chuckled after a few seconds of silence between us. Nakanguso lang akong nakatingin sa kanya. Wala naman nakakatuwa sa sinabi ko!

"Go on. Ask anything."

"Huwag na! Baka magalit ka!"

"Hindi. Magtanong ka na."

Hindi kaya sobra naman kung magtatanong ako tungkol sa kanya? Baka kasi ayaw niya sa mga tanong nangingialam ng buhay niya.

"Hindi kayo... close ng parents mo?"

Tiningnan ko mabuti ang magiging ekspresyon ng mukha niya. Kung galit ba o inis pero ngumiti lamang siya at agad na tumango. "We were never close. Mas close sila ni Ate at ng kapatid ko na kasama nila."

"Ah... paano ka? Masakit?"

Ano bang tanong 'yan Nisha?! Syempre oo! Ikaw kaya hindi mo ka-close sarili mong magulang pero ka-close nila mga kapatid mo, anong mararamdaman mo?! Masasaktan ka rin! Ay, gano'n na nga pala sitwasyon ko. Bakit ko pa nga ba iniisip kung anong nararamdaman ko eh hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila?

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now