18

11 1 0
                                    

"Yay, bati na sila!"

Nilingon namin sina Misha na nagsalita. They are standing in front of us. Nagkatinginan kami ni Kien at napailing. Lumipat ulit ang tingin ko kay Kien nang tumayo siya. Tumayo na rin ako kahit hindi ko alam kung bakit siya tumayo. Is he not happy? Mali ba ang sinabi ko? Hindi ba niya nagustuhan? Should I just let him do what he wants?

"Kien!"

Napasinghap ako at pilit kumawala nang bigla niya akong buhatin na para kaming bagong kasal. Narinig ko ang pag-irit ni Misha at Will habang natawa o chinicheer si Kien. Napakapit ako sa leeg niya habang mabilis siya na naglalakad.

"Anong gagawin mo? Ay!" Mariin akong napapikit nang maramdaman ang tubig sa katawan ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang tubig sa mukha ko kahit basa ang kamay ko. Ikaw ba naman ibaba sa dagat!

"HAHAHA si ate! Basa ka na Ate! Ligo ka na rin! Masaya mag swimming!"

Umiwas ako nang sabuyan ako ni Misha at Will ng tubig. Gumanti rin ako kaya sila napairit. Sinabuyan ko rin si Kien ng tubig dagat dahil siya ang dahilan kung bakit ako basa ngayon! Tumatawa kaming nagsasabuyan ng tubig na para kaming bata ni Kien na nakikipag-laro sa dalawang cute na batang kasama namin.

"Ah!" Napairit ako at mabilis na tumakbo nang habulin ako ni Kien. The kids cheered for him. Ang daya, wala akong kakampi! Ako ang target nila na malublob talaga sa dagat!

"Huli." Napairit ako habang tumatawa dahil bahagya akong natumba sa lakas ng alon na naging tulong kay Kien para mahuli ako. Pinulupot ni Kien ang braso niya sa'kin mula sa likod ko.

"Thank you."

"Bakit ka nagtha-thank you? Dahil ba nakikipag-laro ako sayo ngayon?" patay malisya kong tanong kahit alam ko ang tinutukoy niya.

Humarap ako kila Misha at tinanggal ang nakayakap sa'kin na si Kien. I know what he's thankful for... But I am the one who should be thankful. Siya ang unang tao na nagsabi sa'kin na mahal niya ako bukod kay Misha.

"Ate! Ate! Alam mo ba kanina may nakita kami ni Will na fish!"

"Fish?"

Both of them nodded. Tinuro rin nila kung saan nila nakita ang isda. Nakipag-laro na lang din ako sa kanila ng buhangin habang hindi ba bumabalik sina Zyriel.

-

"Hello!"

Lumingon kami ni Kien sa babaeng nagsalita. She's holding a phone and looking at Kien. Magkakilala ba sila? Ngumiti lang ako at hinintay ang kanyang sasabihin habang patuloy ako sa pasulyap-sulyap kila Misha dahil baka pumunta sila sa malalim.

"I saw your cover! I'm Kade's fan. Nakikita kita sa pictures niya and nakita ko na shinare niya ang cover mo sa two less lonely people," nakangiting sabi niya na may pagka lambing sa boses. "I want to take a picture with you! I really love your voice!"

Tumingin sa'kin si Kien. "What do you think?"

"Huh?" Anong ibig sabihin ni Kien? Kinakausap siya ng babae! Bakit sa'kin siya tumingin?!

"Pwede ba siya magpa-picture sa'kin?"

Halos mapanganga ako dahil sa tanong ni Kien. Tumingin ako sa babaeng nakatayo pa rin at nakatingin sa aming dalawa. Bakit kailangan ako tanungin ni Kien sa harapan niya? Baka magalit ang babae! "Uh..."

"You must be his girlfriend. Nakita ko picture niyo. Uhm, I'm not against your relationship naman. Pwede ka naman sumama sa picture kung gusto mo. I just want to support Kade's best friend. He's the one Kade mentioned before. Na may kaibigan siyang gusto niya talagang maging katulad niyang sikat."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now