30

24 1 0
                                    

"What the hell is happening here?!"

Inaantok na tiningnan ko si Gwy. Kunot ang noo kong tumingin sa kanya. Ang aga-aga, ang lakas ng bunganga ni Gwy. Bakit ba siya nandito sa condo? I told them that I'm okay being alone. Paano 'yan nakapasok dito?!

"What's this note, Kenisha?!"

"Note?"

Inabot sa'kin ni Gwy ang note na tinutukoy niya. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko 'yon at mapagtanto kung bakit parang galit na galit siya ngayon. Nawala sa isip ko na nandito si Kien!

I looked around to look for him. I can't find him. "Wala na si Kien. Umalis na nga, oh. Nakasulat sa note. Thank you and see you later?! Anong see you later ha?! Gaga ka! Hindi mo sinabi sa amin na nagkita kayo! Isusumbong kita talaga sa pinsan mo!"

"Teka!" I stopped her when she's starting to type something on her phone. "Teka lang. Kakagising ko lang. Hayaan mo ako mag-explain."

She sighed and sat down. Kunot-noo siya na nakatingin sa'kin. Bumuntong hininga rin ako bago umupo sa tabi niya at pinatong ang note ni Kien sa table. Paano ko nga ba ie-explain? Mali pa rin na nagkita kami at pinatuloy ko siya dito kahit ano pang dahilan ang maisip ko.

"I..."

"Ano?"

"Sandali lang."

She rolled her eyes. Napailing na lang ako. Nagmamadali kasi siya, eh. Hindi ko pa nga sure kung paano ko ie-explain! It was too sudden! Hindi ko rin in-expect. Sinubukan ko naman talaga siya itaboy sa sementeryo. Sinubukan ko naman na umalis at iwanan siya do'n mag-isa. Kung hindi lang talaga ako inatake no'n dahil sa ulan, siguro nakaalis na ako at iniwan siya don. Pero... I'm still thankful that he was there. Hindi ko alam kung paano ako magiging ayos kung mag-isa lang ako sa oras na 'yon.

I told her what happened or where did we meet each other. I tried to skip the part that I had a dream about Misha, but Gwy's asking too much questions to seek for more details. Wala na akong nagawa kundi masabi lahat. I can't even think of a reason to tell her why did I agree to let him inside the condo. Sinabi ko na lang ang totoo na ang dahilan ay para wala akong utang na loob sa kanya.

"Akala ko nagkabalikan na kayo." Para siyang nakahingang malalim. "Pero hindi ko pa rin gusto ang ideya na nandito siya. He even opened the door for me! Akala ko kung sino ang bumukas ng pinto kanina dahil naka-cap at naka mask. Dire-diretso rin siyang umalis nang makita ako! Akala ko nga non, may boyfriend kang tinatago sa amin."

"Don't tell Zyriel about this. I don't want her to worry. Let her enjoy," I said. Alam kong iisipin ni Zyriel 'yan. Alam ni Zy ang mga sinasabi ni Kien tungkol sa relasyon namin dati, kaya hindi na rin niya napigilan ang sarili niya na mainis sa kanya.

Sumandal sa sofa si Gwy. "Nung nagkita kayo, wala ka na bang naramdaman? I mean, he's your ex-boyfriend. He's your first love, Nisha. Para sa'kin, ghost na ang ginawa sayo nung tao."

"Wala," mabilis kong sagot. "Wala na akong nararamdaman."

Kasi wala naman talaga ako dapat maramdaman, 'di ba? Oo, hindi ko maide-deny sa sarili ko nung nakita ko siya ay... parang pumasok sa'kin ang mga ala-ala namin dati. Pero akala ko... Magiging okay lang ako dahil nakikita ko naman siya sa social media o TV pero hindi pala. Masakit pala siya makita ulit sa personal at makausap.

Gwy stayed with me until lunch time because she's going to meet Elle at the mall. Sinabi sa'kin ni Gwy na balak nilang dalawa ni Elle na matulog dito para may kasama ako pero sinabi kong hindi na kailangan. I'm okay being alone. Hindi na bago sa'kin ang wala akong kasama sa bahay o kasama matulog. But I still miss sleeping with Misha.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now