39

11 0 0
                                    

tw: this chapter will mention about almost taking her own life. So please, skip. This could also be heavy for others who have family problems. Skip if you must. Your mental health matters the most.



"Ma..."

Makita ko palang si Mama, namumuo na ang luha sa mata ko pero pinigilan ko dahil ayokong makita niya akong maging mahina agad. I want to hug her. I want to hug my mother. Kahit alam kong wala ako rito para humingi lang ng tawad, mas gusto ko nalang yata na humingi ng tawad sa mga ginawa kong hindi niya nagustuhan.

"Bakit ka nandito?" Malamig na sabi sa'kin ni Mama. "Anong ginagawa niya dito?!"

Hinawakan ni Ate Keli ang braso niya para pakalmahin siya ngunit tinapik ni Mama ang kanyang kamay. "Palabasin mo 'yan dito. Hindi ko siya kailangan!"

"Kenisha?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin na galing sa labas ng pinto. "Kenisha... Ikaw nga."

"Pa..." Tawag ko rin sa lalaking dumating. Nang lalapit na sana si Papa, mabilis na sumigaw si Mama.

"Huwag mong lalapitan ang bata na 'yan! 'Wag na 'wag mong lalapitan 'yan!"

Lumipat ulit ang tingin ko kay Mama na nagliliyab ang mukha sa galit. I already expected her anger. Hindi naman ako nag-expect talaga na pagkakita niya sa'kin ay yayakapin niya ako at sasabihin na miss niya ako. Mukha ngang mas masaya siya nung wala na ako sa buhay niya.

"Pero..." Nag-aalinlangan si Papa.

"Sinabi kong huwag na huwag mo lalapitan 'yan! Pinatay niya ang kapatid niya. At ano?! Bakit ka nandito?! Idadamay mo pa ba kami sa mga mata ng tao na nakatingin sayo?! Gusto mo ba na makita nila kami bilang isang pabayang magulang?!"

I scoffed and laughed bitterly. "Grabe na, Ma. Parang nakakapag-sisi para sayo na buhay pa rin ako hanggang ngayon."

"Oo! Sobra! Bakit ka pa nagpakita dito?! Hindi ka na ba mapakain ng Tita mo?! Ano?! Tinaboy ka na rin nila, 'no?! Sabi ko naman sayo wala na tatanggap sayo! Mamamatay tao!"

"Ma, tama na!" Pagtigil ni Ate sa kanya.

Lumapit si Ate sa'kin at hinawakan ang kamay ko ngunit bahagya akong lumayo. Sinubukan din pakalmahin ni Papa si Mama. "Oh, bakit?! Bakit niyo gusto pang makasama 'yan?! Hindi ba't totoo naman?! Dahil sa kadrahaman niya, lumayas siya kaya sinundan siya ng kapatid niya!"

"Ma, pinalayas mo ako!" Sigaw ko. "Hindi ako aalis dito kung hindi mo pinaramdam sa'kin na kailangan ko na talagang umalis! I did that... for you... I also left for Ate... Ayokong nastre-stress kayong lahat dahil sa'kin!"

"Talagang mastre-stress kami habang buhay ka!"

Napairap ako at hindi na napigilan ang luha sa mata ko. She never changed. She is still the mother I know. How stupid of me to even think that there's still 1 percent chance that she already changed.

"Sana hindi nalang kita naging anak! Hanggang ngayon, mas gusto kong ikaw ang mamatay kesa sa kapatid m–"

"Ma, ano ba?! Hindi niyo ba nakikita na ang sakit sakit na ng ginagawa niyo?! Oo nga! Sana nga hindi niyo nalang ako pinanganak! Putang ina lang! Bakit niyo sinisisi sa akin kung simula palang ay hindi ko naman sinabi sa inyo na ipanganak ako!"

Hinimas ni Ate ang likod ko ngunit masama akong tumingin sa kanya. "You... Why are you even acting like you care now?! Ate, sa buong buhay ko, nawalan ka na rin ng pakialam sa'kin! I did everything I could to be there for you! I did everything to help you. Palagi pa nga kita pinagtatakpan dati, 'di ba?! Palagi kita pinagtatakpan! Palagi rin sa'kin nasisisi ang mga kasalanan mo. You are always using my name to clear yours too! Lalo na nung nawala mo singsing ni Mama noon, ang sabi mo ay ako ang nakawala... Sobrang napagalitan ako ni Mama, Ate..."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now