03

15 1 0
                                    

"Thank you talaga. Sorry sa abala. Bawi ako next time."

Tumango lang siya at inabot sa akin ang paper bag habang buhat buhat ko si Misha. Ayaw kasi gumising. Halatang napagod kakaikot sa mall. "Pakisabi kay Will na hindi na kami nakapag paalam kasi tulog siya."

He nodded again. Hindi ko na kasi siya maaaya sa loob kasi tulog din si Will. At baka maging issue lang kila Ate. Gabi na rin kasi. Alam kong magre-react si Mama dahil hinatid ako ng lalaki ng ganitong oras.

"Oh, anong oras na? Uwi ba 'yan ng matinong babae? Akala ko saglit lang kayo gagawa?"

"Ma, tulog po si Misha," mahinang sabi ko para hindi magising si Misha. "Pasensya na po. Traffic po kasi."

"Iakyat mo na muna 'yan. Gisingin mo sandali para makapag linis ng katawan. Nako, Nisha! Kapag nagkasakit talaga 'yan dahil sayo. May pasok pa bukas!"

Yumuko ako muli. "Sorry po. Akyat na po ako."

Inakyat ko si Misha sa kwarto ko at hiniga sa kama. Tabi pa kasi sila ni mama matulog pero madalas din siya tumabi sa akin. Dito ko na lang siya patulugin kasi wala pa naman si mama sa kwarto niya.

Kumuha ako ng damit ni Misha sa kabilang kwarto bago unti-unting ginising ang kapatid ko. Nakanguso pa siya nang nagising na siyang tuluyan at parang kalahati ng kaluluwa niya ay tulog pa habang hawak-hawak ko ang kamay niyang nanlalata at medyo nakapikit pa siya papunta sa banyo.

"Good night, Ate!" Hinalikan ni Misha ang pisngi ko bago humiga sa kama ko.

It's so sweet to hear her saying good night to me. I'm glad she enjoyed. Alam kong napagod si Misha pero dahil din 'yon sa nag-enjoy siya. I really love my sister so much.

"You're already late, Miss Callieva! Bakit ngayon ka lang pumasok?"

Nakayuko ako habang kagat-kagat ang ibabang labi ko. Natatakot ako at nahihiya na rin. "Miss Callieva, I'm asking you a question! Sumagot ka."

Napalunok ako. "I'm s-sorry po. Na-late po kasi akong gising."

"Hay nako! Hindi valid ang reason mo! Pero magpasalamat ka kasi hindi naman ako gano'n kasama para hindi ka papasukin sa loob. Pumasok ka na. Ayoko mangyari 'to ulit."

"Opo. Thank you, Sir."

Pumasok na ako sa loob at tumabi ako kay Zy na nakataas ang kilay sa akin. Naiwan si Sir sa labas dahil may kakausapin pa raw siya sa cellphone niya. I asked her what they were doing. Tinuro niya ang nasa board at nakita ko ang nakasulat doon na sasagutan. Copy and answer din daw.

"Pakopyahin mo ako," she said. "Kanina pa kita hinihintay. Ayoko sa math natin. Bakit ba ngayon ka lang?"

Ngumiti ako at kumuha ng yellow pad na pagsusulatan. Umiling ako dahil ayoko sabihin sa kanya ang dahilan. Nagsinungaling ako na late na ako nagising. Hindi naman kasi talaga ako late nagising. Si mama kasi... nagagalit kanina kaya hindi ako nakaalis agad kasi sabi niya 'wag na ako pumasok at gumawa na lang ako ng gawaing bahay. Hindi ko alam kung bakit naging ganon si Mama. Nagluto naman ako ng almusal namin. Baka stress o may iniisip lang.

"Tapos ka na?" bulong ni Abi na nasa harapan ko nang lumabas si Sir ng room. "Akin na papel mo. Nakakatamad mag solve! Bakit ba kasi ako nag stem?"

Malay ko rin sa'yo.

"Ah... malapit na," kinakabahan na sabi ko kasi baka mahuli kami ni Sir. He was the one who reported that I was doing someone else's assignment. Alam kong maaaring sabihin na naman niya kapag nahuli niyang nagpakopya na naman ako. Magagalit na naman si Mama sa'kin. Magagalit na naman silang lahat sa'kin.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now