26

24 1 0
                                    

tw: suicidal, death (don't read if you are not feeling well)

"Misha!"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at tumingin sa paligid. Sobrang masakit pa rin ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung bakit puro puti ang nakikita ko. Where am I? Is it a dream?  It was a scary one. The smell of blood seems real.

Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ang mga nakatusok sa'kin. Ano 'to? Bakit meron akong ganito?

"Nisha! Gising ka na!"

I looked at the girl who entered. It's Zyriel. Kitang-kita ko ang naiiyak na mata niya at napagtanto kong nasa hospital kami ngayon. Did I faint? Who brought me here?

"Anong... ginagawa ko dito?"

Tumingin ako sa nasa likod niya at nakitang sumunod na pumasok si Tita. "Nisha, anak... Kamusta ang pakiramdam mo?"

Parang may tinatago sila sa'kin. "Bakit ako nasa hospital? Nanaginip ako na... Na nasa daan ako. At si Misha..."

Tiningnan nila ang isa't-isa na para bang natatakot at naiiyak. Nakaramdam na ako ng kaba. Is it really just a dream? Bakit hindi sila nagsasalita? Kahit masakit ang ulo at likod ko, napansin ko pa rin ang nanginginig na mga kamay ng mag-ina.

"Nisha... Your sister is..." Humingang malalim si Tita para kumuha ng lakas, pero ang mga luha na sinusubukan niyang pigilan ay tumulo na.

What I heard from her that day ruined me so much. Parang nawala lahat ang natitira sa'kin na matatawag kong happiness sa buhay ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang alam kong kahit kailan... Hindi na mababawi sa buong buhay ko.

"W-Wala na si Misha."

"N-No..." I looked at Zyriel. Napatakip siya sa bibig niya at sunod-sunod na rin ang luha na tumulo sa mata niya. I immediately stood up. They both tried to stop me. Tinanggal ko lahat ng nakakakabit sa'kin at kahit nahihilo ako, mabilis akong lumabas at tumingin sa paligid. Hindi pwede. Hindi 'yon totoo.

"Nisha! Please, kumalma ka muna." Zyriel tried to calm me down. Hinahawakan nila ako sa braso para pigilan ngunit hindi ako nagpapigil.

Uuwi ako. Uuwi ako sa kapatid ko. Hindi ko dapat siya iniwan kagabi. Wala dapat ako sa hospital ngayon! I need to be with her. She's sick!

"Nisha... Anak... Kumalma ka muna. Hindi pa maganda ang lagay mo."

"G-Gusto ko makita ang kapatid ko... Tita, please... Ipakita mo sa'kin ang kapatid ko." Napaupo ako dahil sa hilo. Tumulo na rin ang mga luha ko at bumigat ang dibdib ko. Hindi ko gustong maniwala sa sinasabi nila. I left her safely in our house! She's with Ate Keli and our mother! Panaginip lang... Panaginip lang ang mga nakita ko sa isip ko! Lahat 'yon ay nasa isip ko lang! Panaginip lang 'yon!

"Ate!" Inangat ko ang tingin ko at nagulat nang makita sina Mama at Ate na naglakad patungo rito. Mabilis akong tumayo upang harapin si Mama ngunit malakas na sampal ang natamo ko nang makalapit sa'kin ang nanay kong umiiyak dahil sa kasalanan na ginawa ko.

Mabilis na humarang si Tita kay Mama na nagwawala at gustong-gusto akong saktan. It made me burst into tears after realizing why she's angry. Is it... true? My baby sister is... dead? No... That was all a dream! Dapat ang lahat ng 'yon ay panaginip lang. I promised to buy her cupcakes!

"Gago ka! Tangina! Pinatay mo ang kapatid mo! Walang hiya ka! Wala ka na ngang kwenta, pinatay mo pa ang kapatid mo!"

Patuloy ang paghagulgol ko habang tinatanggap ko ang malalakas na hampas ni Mama sa'kin kahit nakaharang na si Tita sa amin. I killed my own sister. The girl I treasure the most, the girl I promised that I will stay by her side until the day I die is now gone. Kahit ayokong maniwala at pilit kong sinisiksik sa utak ko na panaginip lang lahat ang nakita ko sa utak ko, kay Mama na mismo galing na wala na si Misha. If this is just a dream, I'm hoping that someone would wake me up.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now