04

16 1 0
                                    

"Sorry... Nakakahiya. Umiyak pa ako. Nabasa tuloy t-shirt mo."

Umiling siya at ngumiti. We are now inside his car after I stopped crying. First time may yumakap sa'kin habang umiiyak. Alam kong niyayakap din ako ni Misha, pero ngayon lang ako umiyak sa isang tao na sinabi ko pa kung ano ang nararamdaman ko. It actually made me feel a little better.

"No problem. It's fine, Keni. Now, tell me. What's the problem?"

"Na-stress lang siguro," I said. "I still need to look for Misha. Balak ko pumunta sa police station kasi kailangan ko magpatulong na hanapin siya."

Hindi ko pa rin alam kung nasaan ang kapatid ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag mayroong nangyaring masama sa kanya.

Tinaas niya ang kanyang kilay. "Why? Where is she?"

"H-Hindi ko siya nasundo. Kasalanan ko."

"Bakit mo naging kasalanan? Your sister said she will do it."

Paano niya nalaman? Nagkita ba sila ni Ate kanina?

Bumuntong hininga ako. "Oo... Teka, paano mo nalaman?"

"I texted you. You replied that to me. We waited for your sister but she didn't come," he answered. "Don't worry about Misha. Hinatid ko na siya sa bahay niyo."

Nanlaki ang mata ko. Napaawang ang labi ko. Misha was with him?!

He chuckled and shook his head. "Nag-aya lang sila na kumain sa Jollibee. Kaya hindi ko naihatid kaagad. Hindi ka pa ba tinawagan at sinabing nahatid ko na kanina?"

Dahan-dahan akong umiling. Wala rin sa'kin ang cellphone ko dahil nandoon 'yon sa bag ko na pinauwi ko nalang kay Zyriel.

Ibig sabihin, okay lang si Misha? Hindi na-kidnap si Misha? Hindi siya... hindi siya umiiyak sa kalsada kasi hinahanap niya ako?!

"Yup, she's safe," he said, like he knew what I was thinking.

"Thank you, Kien!" Agad ko siyang niyakap mula sa upuan ko dahil sa tuwa. "I was so... worried. Hindi na talaga 'to mauulit! Palagi ko na sisiguraduhin na masusundo si Misha sa tamang oras!"

Nang kumawala na ako sa yakap, napalunok si Kien at umiwas ng tingin. Nanlaki ulit ang mata ko nang ma-realize ang ginawa ko.

"I'm sorry! I didn't mean to—"

"Hindi ako galit," agad niyang sabi bago ko pa tapusin ang sasabihin ko. "I was just... surprised. It's okay."

Ibinalik niya ang tingin sa akin na may ngiti sa labi. "Why are you blaming yourself? Kapatid mo ang nakalimot sunduin si Misha."

Pero sa mata ni Mama, ako ang mali. Hindi ko pwedeng gawing dahilan ang sinabi sa'kin ni Ate na siya na ang susundo kay Misha. Mas madadagdagan lang ang galit ni Mama kapag nagsalita pa ako.

"Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko kasi sinigurado agad. Busy nga pala si Ate. Nagalit tuloy lalo si Mama. Galit na nga sa akin kaninang umaga, nagalit ko pa lalo."

Napatawa ako at umiwas ng tingin. Sumandal ako sa upuan nang maalala ko rin ang naisip ko kanina habang nag-aalala kay Misha at nasa isip ko pa rin ang galit sa'kin ni Mama o ng mga kaklase ko.

"Naisip ko nga kung nawala rin ba ako, magiging gano'n din kaya ang reaksyon niya?Teka, paano mo ako tinext? Wala akong natanggap!"

"Ako 'ang nagtanong sayo kung susunduin mo si Misha," he said. "I memorized your number when you showed it to me yesterday."

Bigla kong naalala ang nag-text sa'kin kanina. Oo nga pala! Siya ang nag-text kanina? Akala ko si Ate! Inisip ko nalang na baka nagpalit ng number si Ate! Nag-silent pa ako ng phone ko!

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now