17

12 1 0
                                    

5.6K likes




2.2K shares




6K comments




Tuwang-tuwa kong tinitingnan ang post ni Kien na patuloy na dumadami ang mga likes at share. Sobrang nakatulong ang pag-share ni Kade sa post ni Kien dahil marami siyang followers. Kanina ko lang nakita nung inadd ako ni Kade sa facebook. Totoo pala na sikat talaga siya at nakikita ko ang ibang post niya na tungkol sa mga palabas o mga picture niya. Ang dami ngang comments or likes, eh. Karamihan sa nababasa ko nung tiningnan ko ay mga babae.

"Sikat pala si Kien?"

Nilingon ko agad si Ate. "Nakita ko sa facebook. Inadd ko, eh."

Inadd ni Ate si Kien? "Hiningi ko 'yung facebook. Syempre, para alam ko kung anong pinopost ng manliligaw ko, 'di ba?" Alam ko naman na galit pa rin si Ate sa'kin dahil sa nangyari.

"Ate..."

"Kailan mo sasabihin kila Mama na kayo na?"

Nanlaki ang mata ko at hindi ako maka paniwala. Wala pa akong pinagsabihan na nanliligaw sa'kin si Kien! At hindi pa kami! Anong sinasabi ni Ate? "Nag-post si Kien ng picture mo, Nisha."

Mabilis kong inistalk ang facebook ni Kien at nakita ang picture namin sa ferris wheel na kasama ang unicorn na napalanunan niya. 'I have a girlfriend' basa ko sa kanyang caption. Nakita ko ang mga komento. Sobrang gulat ang kanilang reaksiyon.



'Akala ko single!'



'My baby Kade is helping his friend to be famous. Too bad he has a girlfriend.'


'Hala, pogi ng kaibigan ni Kade! Bakit may girlfriend?'



'What if my gf din si Kade? Ouch, sakit na talaga.'




'Inistalk ko siya because I fell in love with his voice! He's also good looking, kaso may gf pala. Kay Kade nalang ulit.'



'Hala! Sayang! Magtatake risk pa sana ako na mahalin siya. Joke! Pero mas maganda naman ako sa gf. Joke ulit! Maging masaya sana kayo!'




"Alam mo bang mahirap magkaroon ng relasyon sa isang sikat, Nisha? Kahit na sabihin mong magsisimula palang si Kien, mabilis lang sisikat 'yan. Sooner or later, he's going to be famous. Akala ko hindi mo bf? Kailan pa?"

Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa. Wala sa isip ko ang mga sinabi ni Ate dahil gusto ko lang tulungan si Kien na matupad ang pangarap niya. Alam kong sinabi kong payag na akong mahalin niya ako, na bibigyan ko siyang chance habang inaabot niya ang totoo niyang pangarap... Pero hindi ko naman naisip na mahirap nga pala sa mga artista ang may girlfriend. Ang mga komento rin ay halatang nadismaya dahil mayroong gf si Kien... Kahit na ang totoo ay hindi ko pa naman siya sinasagot.

"Huwag ka rin umasa na mamahalin ka n'yan. Gaano kayo katagal magkakilala, Nisha? Sobrang tagal na ba? Hindi pa, 'di ba? You don't know him well. Baka nga pampalipas oras ka lang. You should think better. Kapag sumikat 'yan, makakalimutan ka na rin n'yan. Did you really think someone will actually love you?"

Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi ni Ate. Na-imagine ko na ang lahat. Paano kung sumikat nga si Kien at kinalimutan niya ako? Akala ko ayos lang sa'kin, pero napagtanto kong napalapit na ang loob ko kay Kien. I'm being attached. Parang sumasakit ang puso ko kapag naiisip ko na hindi nga seryoso si Kien sa'kin. Sasaktan niya ba ako? Papaasahin niya ba ako kung dumating ang araw na... Mahal na mahal ko na siya?

Ang mga sinabi ni Ate ang nagtulak sa'kin na magising sa katotohanan na maaaring hindi naman talaga ako mahal ni Kien. I'm not easy to love. Mahirap akong mahalin dahil hindi 'yon kaya ibigay sa'kin ng pamilya ko. Si Kien pa kaya na naging kaibigan ko sa sandaling oras? I want to cry. Hindi ko kayang magalit kay Ate... Pero bakit parang pinipigilan niya akong nagkagusto sa isang tao? Gusto niya ba si Kien?

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now