08

15 0 0
                                    

"Kenisha, hindi ka ba papasok? Late na ha. Naihatid ko na si Misha."

Tiningnan ko si Papa na nandito sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at kinusot ang mata ko. "A-Anong oras na po?"

"Malapit na mag 8. Nakaalis na rin ang Ate mo. Pumunta dito si Zyriel kanina para sana sabay raw kayo pumasok pero tulog ka pa kaya pinauna ko na."

"Masama po ang pakiramdam ko. Sinabi naman po sa group chat namin kagabi na hindi required pumasok ngayon. Basta po pumasok kami bukas at sa mga susunod na araw." Tumango si Papa at nagpaalam na lalabas muna dahil baka hinahanap siya ni Mama.

Hinawakan ko ang leeg ko. Hindi naman ako sobrang init pero ang sakit kasi ng ulo ko. Baka dahil late ako nakatulog kanina dahil iniisip ko pa rin kung paano ako pupunta sa graduation ni Kien, at isa pa hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ulit si Papa kaya hindi rin ako nakatulog agad.

I chuckled. "Mukhang makakapunta na ako sa school ni Kien."

Nagpaalam ako kay Sir na masama ang pakiramdam ko at may importante akong pupuntahan na graduation. Mabilis din naman na sumagot ng okay si Sir at sinabi na lang na siguraduhin lang na hindi ko makakalimutan ipasa ang iba kong exam dahil ayaw niya rin na matanggalan ako ng honor. Wala rin akong ganang pumasok dahil alam kong galit pa rin sakin ang mga kaklase ko dahil sa nangyari. Nagbabalak pa nga ako na magmakaawa na ako na lang at huwag na sila idamay dahil ayokong mayroong nagagalit sakin.



From: Kien

You don't have to come if you're busy. I will still wait for you. Good morning.




Bumangon ako at tiningnan ang oras. Mamaya pa naman ang graduation ni Kien. Bumaba ako at nakita si Mama na nasa kusina, nagluluto para sa pagkain mamayang tanghali.

"Ma, good morning po."

Sinamaan akong tingin ni Mama.

"Oh, bakit hindi ka pumasok? Kenisha, hindi porket malapit na matapos 'yang school year niyo, tatamarin ka na."

"Masama po pakiramdam ko." Kumuha ako ng tubig at uminom. "Papasok po ako bukas. Hindi naman po ako palagi uma-absent... Bumabalik din po akong school minsan tuwing sinusundo ko si Misha kahit may pasok ako."

Inilapag ko sa lababo ang baso. "Ang aga aga, Kenisha. Huwag mo akong sagutin. Nakakahiya sa Papa mo. Kapag iniwan ulit tayo nyan dahil 'yan sa katigasan ng ulo mo."

Bumuntong hininga ako at hinugasan na lang ang baso na ininuman ko. May mga plato rin na parang kinainan 'to nila Ate kanina kaya hinugasan ko na rin para wala na matira. Hindi ko rin naman sinasadya na hindi pumasok eh. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kanina nung nagising ako ng 6 AM kaya umidlip lang ulit ako pero nung ginising ako ni Papa, 8 AM na. Feeling ko nga ginawan na ng tadhana na makapunta ako sa graduation ni Kien kaya sinadya niyang hindi ako makapasok ngayon.

"Maglinis ka d'yan. Hindi ka naman pumasok, 'di ba? Kapag talaga bumaba grades mo, hindi ko na talaga alam kung ano gagawin sayo."

"Ma... Wala naman po kaming gagawin sa school." Bumuntong hininga ako at kumuha ng walis tambo. "Nagpaalam din po ako. Hindi naman po... siguro bababa ang grado kong sobra."

Napalunok ako dahil mukhang hindi pa rin alam ni Mama ang tungkol sa nangyari. Hindi pa ata sinasabi ni Sir Eloso sa kanya ang nangyari sa school kasi kung sinabi na ni Sir 'yon, baka sobrang sinesermunan na ako ni Mama ngayon. Sobrang nagalit nga si Mama sakin nung kinausap siya dati ni Sir Eloso dahil nalaman niyang ginagawa ko ang assignment ng iba.

Nagwalis ako ng bahay. Nakita ko rin kanina si Papa na inaayos ang mga damit niya sa maleta para ilagay sa cabinet nila. Hindi ko pa nga rin alam kung anong nangyari. Paano kaya sila nagbati ni Mama? Wala kasi akong kaalam-alam. Parang... hindi ko pa rin malaman kung paano nagawang mawala agad ang galit ni Mama. Ilang taon... ilang taon nawala si Papa at alam na alam ko kung gaano kagalit si Mama pero sa isang iglap, nandito na ulit si Papa sa bahay na hindi man lang inaaway ni Mama.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now