14

14 1 0
                                    

"Sakay."

Kunot ang noo ko. "May mga bisita kami... Hindi ako pwedeng sumama."

"Sabi ni Kelisha siya na raw ang mag aasikaso sa bisita. Kanina pa kita nakikita na walang pahinga." Binuksan ni Kien ang pinto. "I want you to come with me."

Kahit nagdadalawang isip, sumakay ako sa loob. Sinarado ni Kien ang pinto bago umikot sa sumakay sa driver's seat.

Sobrang nahihiya ako at namumula. Pinaglaruan ko ang kamay ko na nasa hita ko. What is going to happen now? I'm not willing to take the risk─pero inamin ko na ang totoo kahit mismo sa sarili ko. Gusto lang naman 'di ba?

Tiningnan ko lang kung paano hawakan ni Kien ang kamay kong nasa hita ko na pinaglalaruan ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela.

Alam kong magagalit si Mama sakin pag uwi ko. "Saan tayo pupunta?"

"My mother."

Hindi na ako umimik pa at hinayaan na si Kien magmaneho. Pinikit ko rin ang mata ko dahil parang inaantok ako kasi ang aga ko rin nagising at hindi na ako nakapag-pahinga pagkatapos no'n dahil sa mga bisita namin.

"Keni, wake up."

Minulat ko ang mata ko at kinusot. Inayos ko ang buhok ko na medyo nagulo at tumingin sa paligid. Nakatulog pala ako.

"Kien... Nasa sementeryo tayo."

"I know. Let's go." Bumaba si Kien ng kotse kaya bumaba na rin ako. Ngumiti si Kien sakin at hinawakan ang kamay ko bago nagsimulang maglakad kaya sumunod nalang ako kahit nagtataka.

"Hi, Mom."

Tinitigan ko si Kien na nakangiti at nakatingin sa baba. Tinanggal ni Kien ang pagkakahawak sa kamay ko at lumuhod. Sinundan lang ng mata ko si Kien. Pinagpag niya ang puntod.

"I'm with Kenisha. Finally, she said she likes me too. I told you that I'm going to bring her here if she said those words."

Umupo ako at ngumiti. Tumingin sakin si Kien na may ngiti sa labi. Tiningnan ko ang puntod ng Mama niya. January 1, 2017. "Hello po. I'm Kenisha. It's nice to meet you po."

Umupo rin si Kien at nanatili kaming dalawa na nakatingin sa puntod ng mama niya. I didn't know his mother is dead. He didn't say anything to me. Ang alam ko lang... Anak siya sa ibang babae ng tatay nila ng Ate niya.

"She died 2 years ago. Inatake sa puso. I found out about this last year from Dad. I wish I knew about it sooner than that."

Hinawakan ko ang ulo ni Kien. Nakangiti kong hinimas 'yon bago alisin ang kamay ko. Halata naman na nagulat siya sa ginawa ko. "Kahit last year mo lang nalaman, okay lang dahil binibisita mo naman siya. Alam naman niya na gusto mong makapunta sa kanya nung mga araw na sana alam mo na."

Tumingin ulit ako sa puntod ng Mama niya. "Your son is kind. He must be lonely. I'm really glad he has Will by his side."

"I'm also lucky to meet someone... Who I don't feel lonely with."

I looked and Kien and saw him staring at me with a lovely smile as he said those words. Hindi ko rin napigilan ang sarili kong ngumiti.

"Umaambon?" Tinaas ko ang kamay ko at tiningnan kung may tumutulo nga na ulan, nagkatinginan kami ni Kien nang unti-unting lumakas ang ambon.

Kiem stood up and offered his hand to help me stand up. I took his hand. He covered my head with both hands and we walked towards his car.

"Bigla naman umulan. Kakarating lang natin," sabi ko.

"It's okay. We can come back next time. Have you eaten?"

Umiling ako. "Hindi pa ako kumakain. Busy kasi sa bahay kanina. Natikman mo ba 'yung pancit? Masarap ba?"

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now