23

13 1 0
                                    

"Wow! Ate! Ang ganda naman dito! Ang daming rides!"

Magka-holding hands kami ni Kien habang nakatingin sa dalawang bata na gustong sumakay sa mga rides. "Ate, look oh! There's horses! I want to ride there! May I? May I? May I?" she said with full of excitement and asking for my permission.

Tumango ako habang malaki ang ngiti.

"Cute mo! Ngayon ka lang ba nakapunta dito, Misha?" Will asked.

"Oo! Is that the ferris wheel?! Ang laki sa personal! Hihi. I want to ride that one too. Wait, is that scary? Isn't that dangerous? If I'm old enough, I want to try that one!" Tinuturo ni Misha lahat ng rides na nagugustuhan niya habang natutuwa lang kaming nakatingin sa kanya.

"She's like her Ate," Kien whispered. "You were also like her the first time we came here."

"Mana sa'kin 'yan," natatawang sabi ko dahil mukhang natataranta si Misha at hindi alam kung ano gagawin sa tuwa. Oo nga, ganyan na ganyan nga ang reaksyon ko nung unang punta ko rito kasama si Kien.

"Ate, sakay tayo sa mga kabayo!"

"That's carousel. Not the mga kabayo."

Nagkatinginan kami ni Kien dahil pareho kaming may naalala. Napailing kami at natawa. We followed the both of them when they started to walk to the carousel. Ginabayan namin ang dalawa na sumakay sa loob at binuhat ko si Misha para makaupo, gano'n din ang ginawa ni Kien kay Will. Lumabas na kaming dalawa at nilabas ni Kien ang cellphone niya para kuhanan sila ng picture.

Nang magsimula na, kumakaway sa amin si Misha tuwing makikita namin sila. "Naranasan din ni Misha 'to. Buti nalang nakatakas ako kay Mama. Wala na akong pakialam kahit magalit siya sa'kin mamaya, basta alam kong masaya si Misha."

Kahit pinigilan ko si Misha, sumakay rin sila sa wonder flight kahit na sinabi ko na nakakahilo. They also tried the roller coaster for kids, it's just a small one.

"Kapag ako lumaki, gusto ko sumakay doon sa malakinggggg roller coaster!" Misha said.

Nakangiti lang ako habang pinapanood si Will at Misha mag-usap. Namimili rin sila kung ano pa ang gusto nilang i-try. Masaya ako para sa kapatid ko. Nung bata ako, hindi ko naranasan 'to. Buti nalang nagkaroon ng pagkakataon si Misha na maranasan 'to. Sisiguraduhin ko na hindi ito ang huling beses. I want to help her grow up happy.

"Is Paul still with you?"

"Paul? 'Yung unicorn?"

Tumango si Kien at umakbay sa'kin habang nanonood lang kami kila Misha.

"Oo. Niyakap nga ni Misha kapag doon siya natutulog sa kwarto ko. Pati nung isang gabi, nung iniwan kami ni Papa."

We had so much fun. Tuwang-tuwa ako habang nakikita ang malaking ngiti ng kapatid ko at ang mga tawa niya dahil sa tuwa. They also tried to played, but gave up easily. Ayaw nila kaming patulungin ni Kien sa kanilang dalawa maglaro. Mas gusto raw nila sumakay ng rides.

Sa KFC kami pumunta pagkatapos dahil nagugutom na raw sina Will at Misha. Malapit lang ang KFC dito, nilakad lang namin dahil ayun ang gusto nilang dalawa.

"Ate, sarap ng chicken! I want to eat chicken everyday! Or gusto ko rin kumain ng french fries palagi!"

Napangiti ako nang maalala ko ang sarili ko nung bata ako. I heard Kien chuckled so I looked at him with a face asking why. "Nothing. I remembered something."

"Ano?"

He shrugged. "I found something in my room. It's a diary. I thought I lost it, but I will never forget what's written inside it."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now