24

23 1 0
                                    

"Misha, hindi bumababa ang lagnat mo. Ang taas pa rin ng lagnat mo. Naging 38 na ang temperature mo."

Napailing ako at pinilit subuan si Misha ng soup na niluto ko pero ayaw niya dahil masakit daw ang tiyan. "Walang laman ang tiyan mo kaya sumasakit. Hindi ka nag-almusal. Paano ka gagaling kung hindi ka kakain?"

Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya at sinubuan ulit siya. "Please, Misha. Kahit konti lang. Gusto mo ba pumunta doctor? Takot ka sa doctor, 'di ba? Promise, pagkagaling mo, ibibili kitang maraming cupcakes."

Umiiyak na nagsalita si Misha, "You also want cupcakes, Ate..."

"Hindi, ah."

"You do! I know you want cupcakes, Ate. Si Ate Keli, gusto ng cupcakes... Ako, gusto ko rin ng cupcakes, it's impossible that you don't want one too! Naaalala ko dati Ate, bumili ka cupcake for me nung wala si Mama. You gave it to the both of us, but when there's one left na lang and we both don't want it, I saw you ate it!"

Napailing nalang ako at sinubuan si Misha na ngumuso habang ngumunguya. "Ate, Ate, full na ako..."

"Ubusin mo 'to, Misha. Konti lang 'to. Hindi ka kumain kanina."

Naluluha na inubos ni Misha ang sopas na niluto ko para sa kanya. She doesn't want to eat rice. Masakit kasi ang lalamunan niya at sobrang nanghihina talaga si Misha.

"Hello."

"Why do you sound tired?" Buntong-hininga na nilagay ko ang pinagkainan ni Misha sa lababo.

"Hindi bumababa ang lagnat ni Misha. Nag-aalala lang ako dahil sobrang sakit na raw ng lalamunan niya," sabi ko. "She wants to eat cupcakes. I cannot allow her. Magagalit si Mama at mas lalong sasakit lalamunan niya."

"Do you want me to help you take care of her? Will is also worried for her," he said.

"Okay lang. Huwag na," nakangiting sabi ko.

"What do you want? I'll buy it for you."

Napailing ako. "Wag ka nang mag-abala."

After a few more talks, he said that he called because he misses me. It's so sweet of him. I also want to see him, but I can't leave Misha here. I can't even sleep knowing that my sister is sick. Gusto ko na ipa-check up si Misha pero sabi rin ni Mama, baka naman daw bumaba pa ang lagnat niya mamaya.

Hinugasan ko ang ang mga pinagkainan sa plato bago muling umakyat para tingnan si Misha na balot na balot ng kumot habang nakasuot pa ng jacket. I sighed when I sat beside her.

Dahan-dahan kong hinimas ang kanyang noo habang naaawang nakatingin sa kanya.

"Ate..." malambing na tawag sa'kin ng kapatid ko.

"What do you want, baby?"

"C-Cupcakes..."

Ngumiti ako at patuloy lang na hinihimas ang kanyang ulo. "Get well first, then I promise to buy you a lot of cupcakes."

She opened her eyes. Parang naluluha ang mata ni Misha dahil sa sama ng pakiramdam niya.

"P-Promise, Ate?"

I nodded and kissed her forehead. "Yes. Pinky swear."

;))

Inaantok na inabot ko ang cellphone ko sa side table ko at sinagot ang tawag habang nakahiga katabi si Misha.

"Kien? Hi..." Inaantok kong sabi ngunit nang marinig ko ang sagot ng tumawag sa'kin mula sa kabilang linya, agad akong napabangon at parang nawala ang antok ko.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now