01

26 1 0
                                    

"Nisha! Ano ba?! Napakabagal mo talaga kahit kailan?! Wala ka naman ibang ginagawa dito kundi kumain at matulog! Susunduin mo lang 'yung kapatid mo hindi mo pa magawa agad!"

Nagmamadali akong sinusuklay ang basa kong buhok gamit ang kamay ko habang palabas ng kwarto dahil naririnig ko na nagagalit si Mama sa akin. Nakita ko ang orasan. Hala! Malapit na nga ang uwian nila!

"Nisha, ano ba naman?! Nakalimutan mo na yata na ikaw ang susundo sa kapatid mo dahil hindi naman pwede ang Ate mo."

"Ma, sorry po. Nakatulog po kasi ako. Hindi ako nakatulog kagabi dahil gumawa po ako ng project ko," sabi ko.

"Oh, sige na! Bilisan mo na. Kumilos ka na dahil nako!"

Tumango ako at nagmamadaling nagsuot ng aking sapatos. Bumuntong hininga ako at pilit na inilalagay sa likod ang basa kong mahabang buhok dahil wala na akong oras para patuyuin pa ito.

Nakasalubong ko naman si Ate na papasok sa bahay nang lumabas akong pinto. Tumigil si Ate sa paglalakad at umiling bago ako nilagpasan. She looks disappointed. Siguro dahil alam na niya kung bakit ako nagmamadali. Hindi na 'yun bago sa akin, at wala rin naman akong balak kainisan si Ate dahil doon. Kapatid ko siya.

Nagmamadali akong maglakad papunta sa sakayan ng mga tricycle. Natatakot ako dahil baka matagal maghintay ni Misha sa akin. Malapit na sila umuwi! 10:50 na kanina nung nakita ko ang oras. 11 AM ang uwian nila dahil pang-umaga ang pasok nila.

Sumakay agad akong tricycle at sinabi ang school ni Kemisha. Nang papunta na kami sa school nila, napapikit ako at napa tapik sa noo ko nang mapagtantong nakalimutan ko ang aking cell phone. Wallet ko lang ang dala ko, sakto lang din siguro para bayaran ko ang pamasahe namin ni Kemisha pauwi.

Hindi ko siya mabibilhan ng pagkain.

Sigurado ako na magpapabili si Kemisha sa akin ng pagkain dahil nagugutom na 'yon. Kilalang kilala ko na siya dahil ako ang madalas sumusundo sa kanya lalo na kapag walang pasok. Kapag wala rin naman susundo sa kanya, kailangan ko magpaalam sa teachers ko umalis para sunduin siya kasi hindi pwede sina Mama.

Paano ko siya bibilhan ng pagkain? Sakto lang ang dala kong pera para sa pamasahe namin. Hindi na ako nakahingi kay mama.

Napabuntong-hininga ako sa inis at stress dahil traffic pa! Ginagawa ang daan na dinaanan namin kaya pina-stop muna ang side namin ng traffic enforcer para paunahin 'yung nasa kabilang side na dumaan.

Mariin akong napapikit. Kasalanan ko 'to! Maghihintay pa tuloy siya!

Nung malapit na kami sa school, nakita ko na ang ilang mga bata na kasama ang nanay o tatay nila na naglalakad paalis. Uwian na nila. Lalo akong kinabahan.

Binaba ako ni Manong sa tapat ng gate ng school nila. Binayaran ko siya ng 35 pesos. Alam kong mahal kasi isa lang din ako pero ayos lang naman dahil nagtatrabaho lang naman si Manong para sa pamilya niya. Tiningnan ko ang natitira kong pera. Sakto nga lang sa pamasahe namin pag-uwi.

"Salamat po."

Tumingin ako sa paligid. Pumasok din ako sa loob at pumunta sa classroom nila. Nakonsensya ako nang makita na dalawa nalang sila sa classroom. She's playing with her classmate. Napatingin ako sa nakatalikod na lalaking nakaupo sa harapan nilang dalawa. Mukhang ayan ang sundo nung lalaking kasama ni Misha.

Misha is playing with Will when  she saw me standing here. Nakangiti akong naglakad palapit sa kanila. Pumasok ako sa loob at binati ang guro na nagbabantay sa kanila na nakaupo sa corner niya.

"Ate!" She hugged me tightly. "I missed you!"

"I'm sorry, Misha!" Lumuhod ako para makapantay siya at niyakap. "Na-late ng gising si Ate."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now