32

22 0 0
                                    

Markien Sandoval's ex-girlfriend killed her younger sister because of jealousy.

"H-Hindi!"

Nahagis ko ang cellphone ko dahil sa mga nababasa kong komento. Nagsimula na manikip ang dibdib ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa mga masasakit na salitang nasa komento at ang alaala na hindi ko makakalimutan nung gabi na 'yon.

Ang mga group chat namin ng block mates ko dati, ang mga groupchat ng mga dati kong kaklase na sinali ako at 'di ako nagleft ay sinesend sa gc ang link ng article at post. Ang mga nakilala ko rin sa college ay minessage ako tungkol doon. A lot of them are wondering what is going on... If it's really me.

Napaupo ako sa sahig at hinahampas-hampas ko ang dibdib ko dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. I'm starting to lose air. Umuubo ako habang tumutulo ang luha ko at naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Inaatake na naman ako.

"Misha..." Mahinang sambit ko sa pangalan ng kapatid ko.

Mariin akong napapikit at humagulgol dahil sa tunog ng sasakyan na naririnig ko sa tainga ko, at ang mga patak ng ulan nung gabi na 'yon. Naaamoy ko na rin ang dugo ni Misha. I feel like I'm at that time again. I was trying to reach her hand... Pero masyadong malabo ang paningin ko dahil sa hilo at tanging nakikita ko lang ang nakahandusay na si Misha sa kalsada habang namamanhid ang aking tuhod dahil sa pagtama ko sa dumaan na motor.

"Misha..."

Sinubukan kong huminga ngunit kinakapos talaga ako. Relax, Keni. Relax.

Fuck. I can't calm down! Pumapasok sa isip ko lahat ng komento tungkol sa'kin. All of them are also saying that it might be the reason why Kien doesn't want me anymore or why we really broke up. I am a murderer. Even though I wasn't the driver, I'm still the reason why she died.

Please, someone. I hope someone will save me. I can't save myself today... I'm so tired of this. I can't stand up... All of them are angry. They hate me. I hate myself.

"Keni!"

Malakas na napahagulgol ako lalo nang maramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Kien kahit na ang labo na ng paningin ko. I can feel his presence. I can smell him. This is reality, Keni. Kien is here. Wala ka na sa gabing 'yon.

"Fuck. Keni, I'm sorry... I'm sorry... Please, I'm sorry... Hindi na sana kita ginulo... I'm sorry... Tangina, ang sakit makita kang umiiyak."

"Kien... B-Bakit ka nandito?" Hinarap niya ako sa kanya. Inayos niya ang buhok ko na nakasabog na sa mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. I showed him a smile. A smile that will never be true. "I'm fine... You may leave. Kaya ko mag-isa."

"No... I won't leave you."

"Kien, umalis ka na... Please lang... Hindi magugustuhan ng mga tao na makita ka kasama ang isang... katulad ko." I bit my lower lip to calm myself down.

Tumungo ako dahil ayokong mag tama ang tingin naming dalawa. Makita lang siya ay parang mas gugustuhin kong humagulgol at ilabas lahat. I want to stop crying. I'm tired of crying. Sa isang taon ko sa kurso kong Psychology, akala ko kakayanin ko na. Pero hindi talaga mawawala sa'kin ang ganitong epekto ng mga nangyari.

Niyakap niya akong mahigpit at ramdam ko ang paghimas niya sa likod ko. Nararamdaman ko rin ang mabigat niyang paghinga. Gusto ko siyang umalis.

Umiling-iling ako at hinawakan ang kanyang dibdib para itulak palayo sa'kin. Nagmatigas man si Kien, pero pinilit ko pa rin na malayo siya sa'kin.

"Ano ba?! Sinabi kong umalis ka na! Umalis ka na, Kien! Hindi mo ba ako narinig?! Ang sabi ko... O-Okay lang ako! Gusto ko maging mag-isa!"

"If you are okay, then why are you crying? Why are you pushing people away, Keni?! Bakit mo pinagtutulakan ang mga taong gusto kang tulungan? You've been like this for the past years!"

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now