10

21 1 0
                                    

"Ate? Is that you?"

Natigilan ako sa pag-aayos ng uniporme ko sa kama nang marinig ang pagpasok ni Misha ng kwarto. Kinukusot ni Misha ang mata niya habang hawak ang doorknob.

"Baby..." Agad na tumakbo palapit sakin si Misha at niyakap ako. Hinawakan ko ang balikat ni Misha at lumuhod para maging magkapantay kami. "Ate is sick. Baka mahawa ka."

"I'm worried..." She said and pouted.

"I'm sorry, baby... I'm here na. Sleep ka na ulit. Maaga pa. 4 AM palang oh."

"O-Okay ka lang, Ate?" Tumango ako at hinalikan sa pisngi si Misha. Hinatid ko si Misha sa harapan ng kwarto nila Mama at pinapasok na siya sa loob. Buti nalang hindi nila tinanggal ang susi sa nakatago sa ilalim ng paso kaya nakapasok ako sa loob ng bahay.

Bumalik ako sa loob ng kwarto. Naligo rin ako at nagbihis na ng uniporme ko. Mabilis lang din ako nagluto ng breakfast para paggising nila Mama ay may pagkain na silang kakainin. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos sa loob ng bag ko.

Tiningnan ko ang damit kong nasa plastic na basa. Kinuha ko ito at sa banyo ko nalang muna sinabit pati ang jacket ni Kien na pinasuot niya sakin. This dress is expensive... nabasa lang ng ulan. Lalabhan ko agad ito pagkauwi ko galing school at ibabalik ko rin ang jacket ni Kien. Naalala ko nga rin 'yung binili kong damit para kay Mama, hindi ko alam kung nasaan kasi naiwan ko 'yon dito bago ako lumabas dahil nabitawan ko 'yon.

Nag-text ako kay Zyriel na pupunta ako sa kanila. Ayokong maabutan ako nila Mama dito sa bahay kaya agad kong kinuha ang school bag ko at umalis na.

Nag-iwan lang akong sulat sa kwarto ni Kien na nagpapaalam na aalis na ako kanina. Magco-commute pa nga sana ako kaso nakita ako ng driver ng Ate ni Kien at hinatid na ako. Nung nagising kasi ako, nakatulog na si Kien sa upuan. I felt guilty. Binantayan niya ako. Kinumutan ko siya bago ako umalis kanina. Hindi pa masyadong nawawala ang lagnat ko pero kailangan ko kasing pumasok dahil iinit lang lalo ang ulo ni Mama kapag umabsent na naman ako. Umayos na rin naman ang pakiramdam ko kesa kagabi. Hindi ko na ginising si Kien dahil alam kong pagod siya at alas tres na kasi ata kanina.

Pakiramdam ko pagod pa rin ako dahil nung nagising ako dahil sa lamig at pinakain ako ni Kien, ilang oras nalang ata ulit ang natulog ko pagkatapos. Ang hirap talaga kapag may lagnat tapos alam kong kailangan kong pumasok.

"Ang aga mo naman." Pinapasok ako ni Zy na halatang kakagising lang.

"Sorry... matulog ka pa. 'Wag mo ako isipin." Inilapag ko ang gamit sa couch pero inaya ako ni Zyriel sa kwarto niya para doon ko siya hintayin.

Umupo lang ako sa gilid ng kama ni Zy habang nakatingin sa cellphone ko. Walang nagtext sakin na pamilya ko kagabi... na hinahanap o tinatanong kung nasaan ako. They really didn't care at all. Hindi man lang ata sila nag-alala kung may nangyari na ba sakin na masama.

"Nagchat ate mo sakin."

"Huh?" Inangat ko ang tingin ko kay Zy na nagto-toothbrush at nakatingin sakin. She took her phone and showed it to me.



Kelisha Callieva: Is Kenisha there with you?



"Saan ka pumunta kagabi? Sinabi ko sa Ate mo na hindi ko alam kung nasaan ka nung tumawag siya. Sinabi ko na nga lang na baka kasama mo si Kien kaso late na ha."

Nanlaki ang mata ko. "Sinabi mo na kasama ko si Kien?"

"Yup." Bumalik siya sa banyo para tapusin ang pag toothbrush niya at bumalik sa harapan ko habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue na hawak niya. "Wala naman akong ibang naiisip na pwedeng kasama mo. Imposible naman na sina Gwy."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now