20

8 1 0
                                    

"Kien! Sobrang dami mong followers! The announcement that Kade made was good for you! Tingnan mo, dumami ang followers at mga nag-react and share sa cover mo! Buti nalang talaga inaccept mo ang offer ni Kade. Sobrang bait nga ng RC Entertainment tulad ng sabi niya!"

Napanguso ako nang agawin bigla sa'kin ni Kien ang cellphone ko habang nakikinig ako sa video na pinost niya. Naiintindihan ko ang mga comments tungkol sa kung gaano kaganda ang boses niya at hindi nakakasawa. His schoolmates before also saw his cover and some of them commented, saying that Kien is also good at acting. Malapit na talaga sumikat si Kien! I'm so happy for him.

"Nagsasawa na ako sa boses ko, love. Stop listening." Pinatong ni Kien ang cellphone ko sa tabi ng kape niya bago niya muling inumin ito.

I was about to speak but Misha came.

"Ate! Ang ganda ng view doon! Super! Maganda pala talaga dito sa tagaytay, Ate." Tinuro ni Misha ang view. "Gusto ko bumalik dito everyday!"

I chuckled and pinched her nose. "May school ka na sa susunod, hindi pwedeng everyday ka nandito."

"Matagal pa naman, Ate. Summer pa kaya!" Nakangiting sabi ni Misha bago muling tumakbo sa salamin kung saan kitang-kita ang view. Doon sila umupo ni Will dahil wala na rin namang tao. Ang dami ngang tao nung pumunta kami. Sikat daw ang hiraya sa tagaytay kaya dinala niya kami ni Misha kasama si Will.

"Oo nga pala, Kien. Punta ka bukas samin?" Tumingin ako kay Kien ulit. Kunot-noo lang siyang nakatingin dahil sa pagtatakha. "Ah, ipapakilala kasi kita kay Papa. I don't want to hide secrets from them. Gusto ko rin... good terms kayo ni Mama. They are still my family."

Ngumiti naman agad si Kien at tumango pagkasabi ko no'n. "Sure. Anything you want."

Nalipat agad ang atensyon ko sa cellphone ko dahil nag-ring bigla. "Si Elle."

Inabot sa'kin ni Kien ang cellphone ko at sinagot ko naman agad ang tawag.

"Elle?"

"Nisha! Nag-aaway si Gwy at Abi! Hindi ko alam kung saan nagsimula! Nakita ko nalang na nagsabunutan na sila dito sa Fresco!"

Nagsalubong ang kilay ko. Bakas ang pagkataranta sa boses ni Elle. Bahagya ko rin inilayo ang cellphone sa tainga ko dahil may narinig akong sigawan na para bang nagsasagutan. "Nisha, please come here! Abi is your classmate. Baka ikaw makakapag-bati sa kanila. Ayaw magpaawat ni Gwy sa'kin!"

Tiningnan ko si Kien na nagtataka o pinagmamasdan ang mukha ko. Paano ako pupunta? "Sige. Teka lang. 'Wag mo na ilapit si Gwy. Ilayo mo na muna. Baka kasi matagal pa ako makarating."

I ended the call with a sigh. "Are you okay? Is something wrong? What is it?"

"Pinapapunta ako ni Elle malapit sa school namin na cafe. Nakipag-away raw kay Abi." Tinago ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko. "Kailangan ko pumunta."

"Why?"

"Kasi kailangan ako ni Gwy doon. Baka mamaya kung ano pa mangyari sa kanila ni Elle. I need to fix the situation. Kahit sabihin mong hindi ko 'yon responsibilidad. Tinawagan ako ng kaibigan ko, eh."

"Okay, okay. Let's go."

-

"Gwy! Okay ka lang?" Nag-aalala na nilapitan ko si Gwy na nakaupo lang dito sa labas ng cafe. "Uminom ka muna ng tubig. Sorry, ngayon lang ako."

Masama ang tingin ni Gwy sa drink niya na nakapatong sa lamesa. I looked at Elle. "Where is Abi?"

"Nandoon sa loob, kasama bf," Gwy answered instead.

"Ano pinag-awayan niyo?" Inayos ko ang bahagyang magulong buhok ni Gwy. Sana pinag-usapan nalang nila at hindi na umabot sa sabunutan o sagutan. Malapit pa naman 'to sa school. Kung may teacher na nakakita, sigurado ako na mapapagalitan silang dalawa.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now