05

21 1 0
                                    

Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko na kaka-charge lang. Siguro dinala na ni Zyriel 'to kanina pa. Tulog na kasi si mama. Si Ate ang nagbukas ng gate para sa akin kasi nagre-review pa rin siya ng ganitong oras nang marinig niya ang doorbell ko.

Ang daming text galing kay Kien. Hindi ko ito nabasa kanina kasi naka-silent ang phone ko at masyado akong nag-isip sa nangyari sa classroom kaya hindi na ako nakapag-check ng phone!

Sinabi sa akin ni Kien na kasama niya si Misha dahil mukhang hindi naman daw darating si Ate. May text din si Kien na nagtatanong kung nasaan ako kasi baka raw hinahanap ko si Misha. He also called many times! Ang recent call ay nasagot ni Zyriel.

I feel okay. Parang nung kasama ko kanina si Kien, bigla kong nakalimutan ang nangyari na nakapag-paiyak sa akin.

Hindi na ako nagtakha nung hindi ako kinausap ni Mama nung umaga. Paano kaya ako magpapaalam pumunta sa birthday ni Will? Gusto rin kasi ni Will na nando'n kami ni Misha.


From: Kien

Susunduin kita.



Bigla akong napangiti. Gusto kong kurutin o sampalin ang sarili ko dahil alam ko namang inimbita niya lang ako dahil kay Misha! Pero 'di ko mapigilan ngumiti! Pakiramdam ko ay gusto niya akong makita o kasama ulit.

I want to talk to you again tomorrow.

Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko! I never... I never heard that from anyone! Bakit ang saya ko? Para kasing sobrang nakakatuwa lang talaga kapag may nagsabi sayo na gusto ka nilang kausap!

"Mag-aral ka, huwag ka mag boyfriend. Tigilan mo 'yan. Kapag nalaman kong boyfriend mo 'yung lalaki na naghatid sa kapatid mo, humanda ka sakin. Wala ka pa sa paa ng ate mo para lumandi. Marami ka pang dapat matutunan."

Ngunit lahat ng naramdaman kong saya ay napalitan ng pagkadismaya. Tumingin ako kay Mama na nagtitiklop ng damit. Nagulat ako dahil kinausap ako ni Mama pero 'yung sinabi niya kasi ang nakapag-dismaya sa akin.

"Wala naman po akong boyfriend." Kakakilala lang naming dalawa. Alam kong gusto lang din ako maging kaibigan ni Kien. Bakit iniisip ni Mama na magiging boyfriend ko siya kaagad?

Alam ko naman na hindi imposibleng may gusto si Kien na mas perpektong babae. Pogi siya, mabait, mayaman. Syempre ang type niya ay katulad niya rin. Imposibleng maging girlfriend niya ako. Si Ate siguro, pwede pa. She could be his type.

"Tigilan mo ako, Nisha! Alam kong d'yan magsisimula 'yan. Huwag kang magpapa lamon sa akin kapag nabuntis kang maaga. Gumaya ka nga sa ate mo! Kaya tayo iniwan ng tatay mo kasi sakit ka sa ulo eh!"

"Ma..."

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Bakit... Bakit kailangan niya na naman akong pagalitan? Alam kong galit pa rin siya sa akin pero sana hindi na lang niya muna ako kinausap. Natutuwa lang naman ako dahil may bago akong kaibigan na alam kong totoo at mabuti sa'kin. Bakit... Bakit kailangan pa niyang sabihin ang mga salitang wala naman kinalaman kay Kien?

Nagulat ako sa inisip ko. Naiinis ako kay Mama? Hindi! Hindi pwede! Siya ang bumuhay sa akin. Bakit parang may inis ako habang iniisip 'yon?! Mali, Kenisha. Hindi ka pwedeng mainis dahil wala kang karapatan.

"Oh ano? Totoo naman. Huwag mo sana kalimutan na pinili ng papa mo ang ibang babae dahil hindi na niya kinaya na alagaan ka! Iniwan ka pa sa'kin. Sana kinuha ka na lang niya!"

Napalunok ako at humingang malalim. Ano pa nga bang bago? Palagi naman kasi sa akin isisisi ni Mama kung bakit umalis si papa.

Tanggap ko. Matagal ko na ngang tanggap eh.
Pero sana hindi na sinasampal sa'kin ni Mama ang katotohanan dahil araw-araw akong nasasaktan. Bakit naging kasalanan ko? Hindi ko rin naman gusto na iwanan kami ni Papa.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now