The Rain in Summer: Prologue

19 1 0
                                    

"Is it raining?"

She looked at me and nodded before closing her umbrella. Oh, it's raining. Inubos ko na ang iniinom kong tubig at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Nakapag-grocery ka?"

Natigilan siya at unti-unting ibinaba ang hawak niyang baso bago ngumiti. Peke siyang tumawa at alam ko na kung bakit.

"Malakas ang ulan sa labas! Nakalimutan ko na bumili dahil nagmamadali ako," sagot niya at nag-peace sign.

Bumuntong hininga. Tumayo nalang ako dahil ako nalang ang bibili. Wala akong choice. Ulan lang naman 'yan. Ulan lang. Kailangan ko mag grocery. Nakita ko ang pagtatakha ni Zy dahil sa pagtayo ko.

"Ako na ang bibili," sabi ko. "Kailangan ko na mag-grocery."

"Huh? Umuulan nga sa labas tapos ikaw pa ang bibili?"

I raised my brow. "Ano naman? Ulan lang naman 'yan."

"And it's... summer," nagdadalawang isip na sabi niya na parang iniingatan kung ano ang pwede kong maramdaman.

Bumuntong hininga ako at pekeng ngumiti. It's just a rain. Hindi ako kayang saktan ng ulan.

"And? It's just a rain. Hindi naman big deal," sabi ko kahit na alam kong may parte sa akin na niloloko ko lang din ang sarili ko.

"But you hate—"

I stopped Zy before she could finish what she was about to say. I will more hate it if she'll not stop mentioning that. "Don't mention it anymore. I'm leaving."

Kinuha ko ang shoulder bag ko at inilagay ang cell phone ko sa loob bago kuhanin ang payong na ginamit ni Zy. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Zy.

"Gusto mo ihatid kita ng kotse?" I can see how worried and concern she is from her eyes.

"No. I'm fine, Zy."

Kinakabahan ako na naglalakad. She's right. I hate it when it's raining in summer. That's not fair. Summer na nga, umuulan pa. Pero hindi naman palaging umuulan dito kapag summer, eh. Minsan, isang beses lang sa summer o depende. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

I still hate it so much.

Nang makababa na ako mula sa condo namin, napatigil ako nang lumakas ang tunog ng ulan pagkalabas ko. Napalunok ako at inangat ang tingin ko. Pinapanood ko ang ulan na pumapatak mula sa taas hanggang sa ibaba. Para akong sinakal. Para na naman akong nasasakal pero huminga akong malalim. I can do this.

Binuksan ko na ang payong bago tuluyang lumabas. Naglakad ako papunta sa abangan ng jeep. Isinarado ko ang payong ko nang marating ko ang waiting shed.

I sighed while looking at the rain falling to the ground. I closed my eyes and sighed again. You will be fine, Nisha. I will be fine. Idinilat ko ang mata ko dahil narinig ko na ang jeep. Sumakay ako agad.

Tumingin lang ako sa labas habang umuulan. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko kung bakit ako lumabas. I should've just told Zy to go out again. Pero ayoko na kasi siyang pabalikin dahil alam kong mag-iimpake pa siya dahil magbabakasyon siya.

Bumaba ako sa malapit na grocery store dahil kailangan kong mamili ng mga kakailanganin ko para sa isang linggo. Sakto lang din para sa akin ang binili ko. Hindi ko naman kasi kasama si Zy. She's going to have a vacation with her family. I'll just stay inside our condo. I hate going outside during summer. Wala ako sa mood na umalis alis tuwing summer. Wala rin naman akong mapupuntahan. Siguro, magpapahinga nalang din ako o magpapaka-busy sa condo.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now