09

14 1 0
                                    

"Keni!"

Nanghihina na inangat ko ang tingin ko sa lalaking dumating. He took off his jacket and put it around me. I continued crying. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko kahit nahihilo na ako at basa na ako sa ulan.

Tinulungan ako ni Kien na makatayo at inalalayan makapasok sa loob ng kotse niya. Hindi pa rin tumigil ang paghikbi ko. I can't stop... Those words hurts me so much. It made me realize that she never wanted me. She will never want me.

"What the fuck, Keni? You're burning."

Pilit na ngumiti ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. I looked at my phone. He didn't end the call. Pinatay ko na ang call at nanatiling nakayuko bago ito ibinalik sa loob ng basa kong shoulder bag.

"O-Okay lang..."

Sobrang labo na rin ng paningin ko dahil sa mga luha kong hindi talaga tumitigil. Mahapdi na rin ang mata ko... Sobrang nilalamig na ako dahil basang-basa na ako ng ulan pero balewala lang sakin ang lahat dahil ang tumatakbo lang sa isip ko ang sinabi ni Mama sakin simula bata pa ako. I really did my best to accept the fact that she will never love me the way she loves Ate. Ginawa ko ang best ko para kahit papaano, makita rin ni Mama na deserve ko rin na mahalin niya ako... Pero ang mga sinabi niya ngayon dahil sa simpleng pagkakamali ko... Dahil sa mga sinisisi niya sakin, ang nagpapatunay na hindi talaga niya ako kayang bigyan ng pagmamahal.

Sana nga hindi na talaga ako dumating sa mundong 'to.

"S-Si Manang?"

Hindi nagsalita si Kien at nanatiling nakatitig sakin. He sighed before starting the car. Hininaan din ni Kien ang aircon. "Nag-commute na lang siya dahil sinabi niyang balikan na kita agad."

Hindi na ako nagsalita at sinubukan pigilan ang paghikbi ko. Ang sampal ni Mama ay sobrang nararamdaman ko pa rin sa pisngi ko. Ang tingin ni Papa na parang na-disappoint ay hindi mawala sa isip ko. Si Misha... na nagtataka kung ano ang nangyari ay hindi rin mawala sakin.

"You could rest in our house. Manang is there."

Hindi ako nagsalita at tumingin sa kamay ko na pinaglalaruan ko. Paano... Paano ako papasok bukas? Magagalit na naman si Mama kapag hindi ako pumasok bukas... Hindi... Hindi ako pwedeng hindi pumasok... Pero hindi ko rin kayang bumalik sa bahay... I want to come with Kien... Hindi ko kayang makarinig ulit ng masasakit na salita na galing kila Mama. Hindi rin gusto ni Mama na makita akong umiiyak dahil sa pagdra-drama ko.

Buong byahe kami tahimik ni Kien. Kahit tumigil na ako sa pag-iyak, alam kong anumang oras pwede pa rin akong maiyak nalang bigla. My mind was too focused on what happened. Alam kong... hindi ito ang unang beses pero sobrang masakit pa rin talaga sakin. I'm also their daughter. I never begged them to love me as much as they love Ate... But am I really the one ruining our family?

"Kenisha, anak! Jusko! Ano nangyari?! Basang basa ka na sa ulan!" Kien told Manang that I have a fever. Pilit lang ako ngumiti. I realized something that made me... more sad. The way Manang looks at me and Kien... was never the way how my Mother should look at me. My mother was never worried for me. Palagi nalang ako nagiging sakit sa ulo para sa kanya... Kahit na hindi naman ako gumagawa ng sobrang pagsuway sa mga gusto niya. I'm even... following Ate's steps for her.

Pinahiram ako ni Kien ng damit niya at pinaligo muna ako. Nang makatapos, nakita ko sa salamin ang pamamaga ng mata ko dahil sa matinding pag-iyak. I wonder what's happening right now in our house... Is Misha asking questions? Is she worried about me? Galit pa ba si Mama sakin? Na-disappoint ko ba agad si Papa? Is Ate... So tired of me? Ako ba talaga ang dahilan kung bakit masisira ang pamilya namin?

Tiningnan ko ang paligid ng kwarto ni Kien. Black and blue ang parang theme ng kwarto niya. Sakto lang ang laki pero mas malaki sa kwarto ko. Alam kong parehas kami ni Kien... Pero nakarinig na ba si Kien ng mga ganoong salita sa mismong pamilya niya? Kasi ako, oo, madalas.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now