27

19 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?!"

I received a slap from my mother. Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao dito sa burol ng kapatid ko. "Wala kang karapatan na makita ang anak ko! Hindi mo kapatid ang nasa kabaong na 'yan! Umalis ka na. Wala akong anak na mamamatay tao!"

I looked at Ate who had worried eyes. I smiled at her. It must be hard for her too... She lost our sister while carrying a baby. I've been also worrying for her. "Ate... Hello. Kamusta?"

I heard from Kade last time that she is also blaming herself for not noticing that Misha went outside. She thought that Misha was already sleeping. It is not really her fault. If I didn't leave that night, she wouldn't escape to follow me. Kung ako lang sana ang nabangga, buhay pa si Misha.

"Umalis ka na! Umalis ka na!" Tinulak-tulak ako ni Mama kahit todo pigil si Tita sa kanya at sinasabing hayaan akong manatili. My mother doesn't want to let me see Misha. Hindi ako makasilip dahil ayaw akong palapitin ni Mama.

"Pakiusap, umalis ka na! 'Wag na 'wag ka na magpapakita sa pamilya na 'to! Isa kang mamamatay tao! Hindi kita anak!"

'Hindi kita anak.'

Hindi nawala ang mapait na ngiti ko habang naririnig ang mga sinasabi ni Mama. Parang wala na sa'kin ang mga natatanggap kong salita dahil mas nananaig na sakit ang pagkawala ng kapatid ko.

Hindi na ata kayang matumbasan ng kahit anong sakit ang pagkawala ni Misha at ang pag-alis ni Kien na akala ko ay... hindi ako iiwan. I'm all alone. Ang dalawang tao na nagbigay sa'kin ng pagmamahal ay wala na sa tabi ko.

"Ate... Hayaan mo naman si Nisha na makita ang kapatid niya... Kapatid niya 'yan, Ate."

"Wala akong pakialam! Hindi niya 'to kapatid dahil hindi namin 'yan pamilya!"

Kailan ba ako naging parte ng pamilya na 'to? I was never her daughter from the beginning. Naiintindihan ko na rin kung bakit. Wala ako ibang nadudulot sa buhay ng iba kundi sakit at problema lang.

"Ate Keni?"

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang batang lalaki. Sunod-sunod ang tulo ng luha kong lumingon sa kanya na hawak ang kamay ni Manang bago nagmadali na tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako.

"Ate Keni!" I was stunned. Umiiyak si Will na nakayakap sa hita ko, gano'n din si Manang nang lumapit sa'kin. "Si Misha... Ate... Si Misha... Wala na si Misha, Ate Keni. My best friend... I can no longer see her anymore. Sana... Sana hindi ko nalang siya inaasar. Wala na ang best friend ko, Ate Keni..."

Narinig ko ang pagwawala ni Mama habang pilit na hinihila ni Tita at Tito si Mama paalis dito upang lumabas muna kasama si Ate. Nang magtama ang tingin namin ni Manang, parang gustong gusto ko siyang yakapin at umiyak.

"Manang..."

She nodded at me and gave me a hug. "Oo, anak... Masakit. Alam kong masakit. Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin dahil alam kong sobra. Hindi mo 'to kasalanan, Keni."

Umiiyak na inalalayan namin ang isa't-isa habang dahan-dahan na naglalakad palapit sa kabaong ni Misha. When we're finally there, I almost fainted.

"No..."

Manang carried Will so he could see Misha, but I heard Will's loud cry. Napailing ako at nanginginig ang kamay na hinawakan si Misha na sobrang himbing ang tulog. Lumalambot ang aking tuhod at nang sa oras na muntik na ako matumba, naramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa bewang ko. I knew it was Kade.

"M-Misha... Baby... Gising na... May dalang cupcakes si Ate..." I showed her the small paper bag I'm holding. "Look baby oh, favorite mo 'to... Gising ka na... Misha... Gumising ka na!"

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now