07

13 1 0
                                    

"Ayun lang?! Ano pa sinabi niya pagkatapos non?! Wala na talaga?"

Tumango ako at inubos ang juice na nasa loob ng baso ko. "Sinabi niya lang sa akin na masaya akong kasama. Lalo na kapag nagiging madaldal ako kahit hindi ko nare-realize."

Wala naman talaga akong balak kasi magkwento pero pinilit nila ako. Si Zyriel kasi, sinabi sa kanila na magkasama kami ni Kien kahapon. Alam na rin pala ni Elle ang tungkol kay Kien at sa nangyari doon sa mall dahil sumama si Gwy sa aming magkaklase at kwinento kay Elle.

"Paano kung gusto ka nyan?! Ano gagawin mo?" Gwy asked.

"Imposible. Ilang araw pa lang naman. Hindi ko pa nga nababayaran utang ko."

"Ang study first mo kasi! Subukan mo kayang landiin! Mukha namang pogi tulad ng sabi ni Gwy!" Elle said.

Umiling ako agad. "Hindi ko kayang gawin 'yan. Atsaka, parehas naman namin hindi gusto ang isa't isa. Masaya lang din siya kasama at mabait. May oras lang talaga na nagkakataon na nagkita kami sa isang lugar."

"Blah blah blah. So, magpaalam ka sa mama mo. Kailangan sumama ka samin sa outing. Palagi ka nalang hindi madalas sumama tuwing may outing kami!" Gwy said.

"Oo nga. Sigurado rin naman ako na hindi ka matatanggal sa honors. Kasali ka pa rin sa recognition natin. Celebrate natin!" Sabi ni Zy.

Bumuntong hininga ako at ngumiti. Alam kong 50/50 ang chance na payagan ako ni Mama na umalis ng bahay lalo na sa summer. Sobrang imposible pero pinipilit talaga nila akong pilitin na sumama.

"Sige. Susubukan ko." Kahit na alam kong baka madismaya lang sila kapag hindi ako pinayagan.


From: Kien

What are you doing?

Kumunot ang noo ko at pasimpleng tiningnan ang mga kaibigan ko na nag-uusap bago ako nag-type para mag-reply sa kanya.


To: Kien

nasa bahay ako nila Zy. Nagplano lang sila ng outing after recog. namin tutal summer na rin naman non. Hindi ko nga sigurado kung makakasama ako kasi baka hindi ako payagan ni Mama.


"Wow. Daming nireply ah."

Gulat na tumingin ako sa katabi kong todo ang tingin sa cellphone ko. Nilayo ko ito. Hindi ko namalayan si Zy! Akala ko busy rin siya makinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nila tungkol sa mga hindi nila bet na kaklase nila.

"Sus. Nisha, alam na namin ang ganyan. Dyan magsisimula lahat!"

"Oo, dyan ka rin nagsimula baliw!" Singit ni Gwy at nakangisi habang napapailing. "Kung magiging tanga 'yan katulad mo, mag pinsan nga talaga kayo!"

Binato ni Zyriel si Gwy ng throw pillow at tinawanan lang ni Elle ang dalawa. Tiningnan ko ulit ang phone ko dahil nag beep ito.


From: Kien

Okay. Sunduin kita d'yan. Send mo the address.


Kumunot ang noo ko. Napasinghap ako dahil biglang inagaw ni Zy ang cellphone ko at nakangiting nagtatype. Sinubukan kong agawin pero lumayo siya sa akin at hinarangan ako nila Gwy para hindi makuha sa kanya ang phone ko.

Zy! Akin na!" Kinakabahang sabi ko dahil baka kung anong sabihin niya kay Kien!

Nakangising inabot sa akin ni Zy ang cell phone ko. Agad kong tiningnan ang reply ni Zy at nanlaki ang mata ko.

"Zy!"

Napabagsak akong upo sa sofa at hindi makapaniwala sa text na sinend ni Zy. Sinend niya kay Kien ang address ng bahay niya na medyo malapit lang naman samin at kayang kaya ko naman lakarin. Matatanggap ko sana na sinend niya ang address niya pero 'yung huling text niya ay hindi talaga!


The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now