40

10 0 0
                                    

"Wait here."

Ngumiti ako kahit na namamaga ang mata ko. We were about to go back home, but Kien's manager called him. He also looks frustrated.

Nang maramdaman ko na gusto kong pumunta sa CR dahil pinag titinginan ako ng ibang dumaan dito na siguro ay nagtatrabaho sa kumpanya na 'to na hawak si Kien at Kade bilang kanilang artista, tumayo ako at naglakad kung saan ko nakita tumungo si Kien para sana hanapin ang CR.

"Kien! You might ruin your career! There are a lot of people who loves your chemistry with her. Sobrang masasaktan sila kung kakasuhan mo si Abi! What will people think, Markien?! Ano na lang ang iisipin ng mga tao na simula nung magkita muli kayo ng ex mo ay tinalikuran mo na ang babaeng kasama mong sumikat?!"

Napatigil ako dahil sa malakas na sigawan. Sinandal ko ang likod ko sa gilid ng pinto na bahagyang nakabukas kaya rinig na rinig ko ang nagsisigawan sa loob.

"Ang daming pwedeng maging projects kasama si Abi! Pumayag naman ako na linisin mo ang pangalan ng babae na 'yon. Pinayagan kitang mag release ng sariling statement! Pero hindi ko sinabi na ganyan! We can't risk your love team with Abi!"

Is he in trouble?

"Don't pair me with someone who doesn't respect others," he said, coldly. "I don't care about my career. If they won't accept our relationship, I won't push them. I can't leave her for them."

"Naririnig mo ba 'tong kaibigan mo, Kade?! Ano ba 'tong pumapasok sa isip nito?!"

He is in trouble. "There are a lot of fans who still can't accept that you are in a relationship! Alam kong may mga tao na naniniwalang mabuting tao 'yang babae na pinagtatanggol mo, pero may mga tao rin na hindi matatanggap 'to! Ito ay makakaapekto sayo! Gusto mo ba 'yon?! Ang daming nakakakita sa inyong dalawa! Gusto ko munang layuan mo siya dahil parehas lang kayong minamata ng mga tao! I am doing this to protect your name! Pati na rin ang pangalan niyan. Maraming nag-sponsor sa atin ang tumawag sa'kin at sinasabi kung totoo bang ikaw ay pumapatol sa isang mamamatay tao!"

"Kenisha?"

Nanlaki ang mata ko nang makita si Jillian. Magkasalubong ang kilay niya, nagtataka kung anong ginagawa ko bago siya pumunta sa pinto at sinilip ang loob.

"Oh, I see." She smiled before opening the door. Nanatili lang ako sa gilid ng pinto para hindi pa rin nila ako makita kahit na kinakabahan ako dahil baka sabihin ni Jillian sa kanila na nakikinig ako.

"Excuse me... Rinig na rinig ang sigawan niyo sa labas." Jillian said, secretly glancing at me. "Sir Kade, I brought your cell phone. You left it in your car."

Tumahimik ang loob at medyo umatras ako. Aalis na ba ako? Baka mas magalit ang manager ni Kien kapag nalaman niya na nandito ako. I am ruining his career.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang lumabas si Kade para pumunta sa pwesto ni Jillian. He took his phone from her but he also immediately notice me standing here.

His brows furrowed.

"Markien, your girlfriend is here."

Nanlamig ang buong katawan ko nang sabihin ni Kade na nandito ako. Halata rin na nabigla si Jillian pero wala rin naman siyang magagawa. Mabilis na naglakad papunta sa labas ng pinto si Kien at gulat ang kanyang ekspresyon na nakita ako.

"I... I am looking for the restroom."

Lumapit sa'kin si Kien at hinawakan ang balikat ko. "Did you..."

"Markien!" His manager called from inside of the room.

"Sige na. Hintayin nalang kita." I smiled at him before taking off his handsm Naglakad ako pabalik sa direksyon kung saan ako galing.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now