28

15 1 0
                                    

I went out of the coffee shop and saw Zyriel waiting for me outside. She smiled and waved her hand before walking towards me. Why is she here?

"Nisha! I came to pick you up," she said.

"Are you feeling guilty?"

Ever since I told them all of those words, they became nice and quiet. I could sense guilt and awkwardness between us. Hindi ko na lang pinapansin dahil hinahayaan ko na lang sila sa gusto nila. I'm tired of being their friend. I can't be there for them anymore... No one is even here for me.

Imbis na sumagot, ngumiti lang si Zyriel at hinila na ako papunta sa sakayan ng bus. I wanted to visit Misha again, but I know my mother won't let me. Ayoko na gumawa ng eskandalo. I want Misha... to leave peacefully. Kung nandoon ako, hindi na magiging gano'n kaganda ang burol o mga araw na natitira niya dito. Tama naman si Mama, eh. Ang kapal ng mukha kong magpakita pagkatapos kong patayin ang kapatid ko.

After the whole week of trying to visit my sister, I didn't have the courage to come near her again. Kade was helping me. Tuwing wala si Mama, sinasabi ni Kade sa'kin para makapasok ako sa loob. Tanging tanaw lang sa labas ang nagagawa ko. Kahit wala na rin si Mama, hindi ko pa rin magawang lumapit ulit sa kabaong ng kapatid ko.

"Nisha... Sigurado ka bang hindi mo gustong lumapit?" Gwy asked. "We can help you. Libing naman 'to ng kapatid mo."

Umiling ako. "Wala akong lakas ng loob para makita ang kapatid kong binabaon sa lupa. Sa huling araw na 'to, ayoko gumawa ng eksena ulit. I want her to leave... peacefully."

I could feel how worried all of them are for me. Ang magulang ni Zyriel, ang mga kaibigan ko, si Manang, at si Kade. Lahat ng mayroon sila tuwing tinitingnan ako ay hindi lang pag-aalala kundi pati na rin awa. Hindi dapat sila maawa sa'kin dahil mismong sarili ko ay hindi na naaawa.

Alam kong ginagawa na ng mga kaibigan ko ang kanilang makakaya upang iparamdam sa'kin na nandyan sila sa tabi ko. Alam kong malakas ang naging dating sa kanila ng mga salitang sinabi ko. Parang nahimasmasan sila o nabuhusan ng malamig na tubig. Pero hindi pa rin no'n mababago ang nararamdaman ko na mag-isa na lang talaga ako.

I accepted the fact that I should be alone for the rest of my life. Kahit nandyan ang mga tao na magiging totoo sa'kin, natatakot ako na baka masaktan ko lang din sila o iwan nila akong lahat.

Dati, natatakot akong ayawan ng lahat kaya ginagawa ko ang lahat ng gusto nila. Sobrang bait ko, sobrang mapagbigay ako, sobrang umiintindi ako at hindi ko pinapakita kapag hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa nila, pero ngayon? Tanggap ko na ang katotohanan na hindi ako magugustuhan ng ibang tao dahil ako mismo ang talagang nagiging mali. Ako ang hindi nagiging maganda sa buhay ng isang tao. Mas mabuti pa ngang hindi na mapalapit sa iba.

Hindi ko nga kayang mahalin ang sarili ko, eh. Ibang tao pa kaya?

Mapait akong nakangiti habang nagtatago sa likod ng puno kung saan natatanaw ko ang kapatid ko mula dito. Ang ganda ng panahon. Ang araw na 'to ay umuulan, katulad din ng ulan nung nawala ang kapatid ko... At nung paggising ko, umalis na rin si Kien.

Mas lalong pinabibigat ng ulan ang mayroon ako sa dibdib. I could clearly remember the smell of our blood... I could see Misha's body laying down. I could even feel... her push to save me.

Alam kong ginagawa na rin ni Kade at Ate Keli para asikasuhin ang driver ng sasakyan at ang motor na nakasagi sa'kin nang itulak ako ni Misha, pero hindi ko pa rin makita ang dahilan para maging kasalanan nila. I found out that the driver of the car was drunk, he was speed driving. Pero kasalanan ko pa rin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Hindi ko na lang namalayan na nasa gitna ako ng daan nang marinig ko ang boses ng kapatid kong tinatawag ako... Para iligtas ako.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now