15

14 1 0
                                    

Namumuo ang luha ko habang hawak ako ni Manang. Tumungo ako para pigilan ang luha ko na anumang oras ay parang lalabas na. What's happening to me? Her presence is enough to make me cry. I can't explain why... Is it because she came instead of my own mother? Mas kaya ba talagang bigyan ako ng oras ni Manang kesa sa sarili kong ina? Si Manang na hindi pa ako ganun katagal kilala. She... She gave her time for this... The time my own mother can't give.

"Callieva, Kenisha S., With High Honor."

Narinig ko ang malakas na palakpak ng mga estudyante. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Manang na nakangiti sakin. We nodded at each other and started to walk. Umakyat kami ng stage habang todo pigil pa rin ako sa luha na gustong tumulo sa mata ko.

"Ang galing mo, anak, with high honor! Nakaka-proud naman." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sunod-sunod na ang luha na tumulo sa mata ko nang sinabit sakin ni Manang ang medal ko. I'm so emotional.

Humarap kami sa stage at nakita ko si Kien na nakangiti na nakatapat ang camera ng cellphone niya saming dalawa. "Ngiti ka, Kenisha, anak. Ang ganda mo pa naman para umiyak."

Natanaw ko rin sa likod si Tita dahil si Tito ang aakyat kay Zyriel. She's clapping her hands while smiling and looking at me. She even took out her phone to take a picture of us. Nang matapos ang ilang segundo, bumaba na kami ni Manang ng stage.

We both went back to our seat. I remain standing because the students on our row are still not complete. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang mata ko. Baka masira pa make up sakin ng Mama ni Zyriel kanina. Sayang naman dahil binigyan niya akong oras.

"Congratulations, anak! Nakaka-proud talaga. Kung nagkaroon lang siguro ako ng anak ulit, sana katulad mo. Mabait na nga, maganda na nga, matalino pa."

I smiled while my heart is still aching. I appreciate what she said so much. Those words that I shouldn't expect that I could hear from my own family─my own mother... Kung naging with highest lang sana ako, baka sakaling marinig ko pa ang mga salita na 'yon.

"Congratulations."

"Thank you."

Napatingin ako sa mga kaklase ko or sa mga schoolmates ko na narito rin sa recognition. Ayokong mainggit sa kanila na kasama ang nanay o tatay nila dahil hindi naman ito ang unang beses pero... Bakit parang hindi ko matanggap ngayon? Umasa akong dadating pa rin si Mama, pero hindi siya pumunta.

"Kenisha! Congrats!" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita at nakita ko si Tita at Tito na kasama si Zyriel. "Sayang, hindi dumating si Ate. Papagalitan ko 'yon! Nung moving up niyo, hindi ka rin sinamahan sa stage." Nakataas kilay ang Mama ni Zyriel.

"Okay lang po..." Tumingin ako kila Manang na nakangiti lang at nakikinig sa amin. "Si Manang Flores po pala at si Kien... Kaibigan ko po." Ipinakilala ko rin kila Kien si Zyriel at ang magulang niya na narito.

"Nice to meet you," nakangiting sabi ni Tito. "Buti naman at may sumama kay Kenisha. Sabi kasi samin ni Zyriel mas gusto raw umakyat niyan sa stage mag-isa."

"Si Kien nga lang din nagsabi sakin. Dapat nga siya ang sasama kay Kenisha pero sabi ko ako nalang. Masaya pala talaga umakyat ng stage. Kahit hindi ko anak 'to, parang nakaka-proud pa rin."

"Oo nga. Matalino 'yan. Pumupunta 'yan samin kapag mag-aaral sila ni Zyriel lalo na nung JHS palang sila. Nako, palagi nga niyan tinutulungan mga kaibigan nila tuwing nasa bahay namin," sabi ni Tita.

"Excuse lang po muna." Lumingon ako kay Zyriel na nagsalita.

"Uy, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Zyriel nang bigla niya akong hilahin sa kalagitnaan ng pag-uusap nila.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now