13

19 1 0
                                    

Markien Paul Sandoval sent you a friend request.

Napabangon ako agad sa higaan ko dahil sa nabasa ko. Kinusot ko ang mata ko para makasiguro sa nabasa ko at totoo nga! Paano nalaman ni Kien fb ko? Pumunta ako sa messenger at nakita ang chats ni Kien sakin.



Markien Paul Sandoval: Goodnight, Keni. Look at these pictures when you wake up.




Nanlaki ang mata ko nung makita ang mga sinend ni Kien na pictures sakin. It's me! Nung naghihintay ako habang nakatayo nung pumila siya para bumili ng pang rides namin, nung nakasakay kami sa carousel pero stolen lang, at mayroon din kaming pictures nung nasa bump car kami! May video rin! Naalala ko na binigay ni Kien ang cellphone niya kay Kuya! Nagpa video pala siya! Ngumiti ako habang nanonood at nakita kung paano kami magbanggaan ni Kien. Nang matapos ko na 'yon panoorin, nakita ko ang picture namin sa ferris wheel at may stolen din ako! Nag-chat ako agad.



Kenisha Callieva: bakit may pictures ako na stolen?! Nakakahiya! Ang pangit ko ata d'yan. Delete mo!



Markien Paul Sandoval: No. You look pretty. Sinend ko lang sayo para makita mo itsura mo kahapon. Cute. Good morning.



Kenisha Callieva: Good morning! Jwu pero mukha nga pala talaga akong bata kahapon na tuwang tuwa 😭. I wish Misha was there with us.



Markien Paul Sandoval: Sure. Let's bring her next time and Will. My treat again. Breakfast ka na.



Tiningnan ko ang unicorn na nasa tabi ko at pinicturean bago sinend sa kanya.



Kenisha Callieva: Paul wants to say hello and good morning.



Bibitawan ko na sana ang cellphone ko pero nag-reply siya agad. Ang bilis!



Markien Paul Sandoval: Good morning to our son. How's your mommy's sleep? Did she cuddle you while she's sleeping?



Napailing ako at napangiti habang nagbabasa. Son daw at mommy. Hindi ko pa naman siya boyfriend pero son na agad ang iniisip niya. Sabagay, sa kanya naman galing 'to! He called me mommy! Bahagya kong tinapik ang pisngi ko dahil alam kong namumula na naman 'to.



Kenisha Callieva: Yup, I did. Sarap nga ng tulog ko. I'll eat lang muna! Ikaw rin kung hindi ka pa kumakain.



Binitawan ko ang cellphone ko kahit na parang gusto ko pa abangan ang sunod na chat ni Kien pero alam ko naman na hindi na ako matatapos makipag-usap sa kanya. Kailangan kong mag linis muna ng bahay pagkakain. Ginabi akong uwi kahapon at nung dumating ako, si Papa nalang ang gising dahil tulog na sina Mama. Hinintay nga raw ako ni Misha makauwi pero inantok na kaya nakatulog.

"Ate! Gusto mo kape?"

Tumingin si Ate sakin nang magsalita ako. Nanonood lang si Ate ng TV. "Sige. Hindi pa ako nagkakape."

"Okay!" Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape sa aming dalawa ni Ate. Tiningnan ko rin ang pagkain na may takip sa lamesa at nakitang isda ang ulam namin. Kumain na ata si Mama at Papa kanina.

"Ate oh. Nasaan sila Mama?" tanong ko.

"Lumabas saglit. Bumibili ng ilulutong pagkain dahil bibisita raw ang ibang kamag-anak natin bukas."

"Ah..." Umupo ako sa tabi ni Ate at naki nood habang umiinom ng kape.

"Saan ka galing kahapon? Hindi ka umuwi kasama sila Mama."

Sumulyap ako sa kanya. "Kasama ko si Kien kahapon, Ate."

"Boyfriend mo?"

Umiling ako agad at muntik na rin ako masamid dahil tinanong niya 'yon nung hinigop ko ulit ang kape ko. "Hindi, Ate! Hindi ko boyfriend si Kien... Kaibigan pa lang."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now