02

19 1 0
                                    

"Ate, inaaway ka ba nila?"

Tiningnan ko si Misha dahil sa bulong niya habang sinusubuan ko siya. Ngumiti ako at umiling. "Normal lang sa amin 'to."

Kahit ang totoo, sa kanila lang normal 'to. Kung hindi siguro sumingit ang lalaki kanina, umiyak na siguro ako ng palihim sa CR mamaya. Alam kong aasarin pa nila ako o marami silang masasabi. Masama na rin ang tingin nina Gwy. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Baka sa'kin din sila nainis o sa mga kaklase namin.

She pouted and nodded. Tumingin ako sa table kung saan nakapwesto ang lalaki at ang kasama niyang bata. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya pero sobrang awkward talaga ngayon dahil sila-sila na lang ang nag-uusap at medyo hininaan nga nila ang boses nila. Kaso... Hindi na nila ako kinakausap.

"Busog na ako!" sabi nila nang lumabas kami ng pepper lunch.

I looked at Gwy and saw her looking at me. Tiningnan ko rin si Zy na hawak ang kamay ni Misha na nakangisi sa akin.

"Boyfriend mo 'yon?"

Nanlaki ang mata ko at umiling nang umiling kay Gwy. "Huh? Hindi ah! Ano lang... nakilala ko kanina nung sinundo ko si Misha. Kalaro ni Misha 'yung kasama niyang batang lalaki. Pangalan no'n ay Will."

They nodded. "Hmm... pogi naman. Kung ayaw mo sa kanya, sa amin nalang," pagbiro ni Gwy.

Kinurot ni Zyriel si Gwy. Tumawa silang dalawa. Ako naman, ngumiti kang dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi nila. Baka iniisip din ng mga classmate ko na boyfriend ko 'yon!

"Ate! I want to play too!" Misha pointed the timezone.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang magsipasukan ang mga kaklase ko sa loob ng timezone. Sina Gwy at Zy naman ay pumasok sa isang bilihan ng damit na malapit sa timezone.

Wala na akong pera.

Tiningnan ko si Misha at nakita ang pagka excite sa mga mata niya habang nakatingin sa gawi ng timezone. Hindi kasi siya masyadong nakakalabas, eh. I want to let her play... pero wala na kasi akong pera. Mayroon naman natira sa akin para makauwi kami. Pero hindi ko kasi alam kung tamang gastusin ko ang iba kong natirang pera para makapag-laro si Misha.

"Ate, let's go!"

Hinila ako ni Misha. Hindi ko masabing hindi kami pwede sa loob dahil hindi ko pwedeng gastusin ang pera na natira sa ipon ko. Bukod sa pamasahe namin 'to, kailangan ko rin bumili ng regalo para kay mama na damit.

Pinigilan ko si Misha sa pag higit sa akin at bumuntong hininga. Lumuhod ako at hinawakan ang balikat niya. "Next time na lang, Misha."

She pouted and answered me with a single nod. Ah! Hindi ko kaya 'to! Gusto kong paglaruin ang kapatid ko, pero kasi wala akong maraming extra! Nakonsensya ako dahil alam kong nalungkot si Misha. Nagawa kong ilibre ang mga kaklase ko pero si Misha hindi.

"Hey."

Nag-angat agad akong tingin at napaayos ng tayo nang makita ko kung sino ito. I looked at the kid with him. Hawak ng bata ang dulo ng shirt ng kuya niya.

"A-Ah! Hi! Sorry pala kanina!" Agad kong paghingi ng tawad dahil hindi ako nakahingi ng tawad sa abala na nadulot ko kanina kasi umalis siya kaagad para bumalik sa pwesto nila ng batang kasama niya.

"It's okay." He took a glance at Misha, who was still pouting. "My cousin wants to play with her."

"Ha?" Tiningnan ko ang batang lalaki na nakangiti sa aming dalawa. "Hala, kasi... wala na akong pera para makipag-laro si Misha sa timezone... Kailangan ko pa kasi 'yung pera na natira sa akin kahit papaano."

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now