21

7 1 0
                                    

"You look good. Pinaghandaan mo, ah."

Nakangiting nakatingin ako kay Kien na naka white pants at naka tucked in ang blue polo niyang nakatupi ang sleeves hanggang siko. Hindi rin naka butones ang dalawang butones sa taas ng kanyang polo. He looks hot.

"Pasok na tayo." Inaya ko na si Kien sa loob kahit mabigat ang nararamdaman ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari kahapon kay Ate. Mas mabuti na rin siguro kung hindi ko muna sabihin kay Kien. Kahit kasi ako, hindi pa rin ako makapaniwala.

"Papa..."

"Oh, anak." Inangat ni Papa ang tingin niya mula sa cellphone niya. "Kasama mo pala si Markien. Anong ginagawa niya dito?"

Nagkatinginan kami ni Kien at huminga akong malalim. Ngunit bago pa man ako makapag-salita, napaawang ang labi ko dahil inunahan ako ni Kien.

"Good morning, Sir. I'm Kenisha's boyfriend."

Halatang nagulat ang itsura ni Papa. Alam ko naman na hindi pa sinasabi ni Mama sa kanya ang kanyang nalaman dahil wala naman siyang interes na ikwento ako sa iba, o kahit kay Papa dahil alam kong hindi pa rin tanggap ni Mama na may boyfriend ako. Hindi ko naman pababayaan pag-aaral ko, eh.

"Upo ka." Sinunod ni Kien ang sinabi ni Papa at umupo. "Akala ko nililigawan mo ang anak kong si Keli. Si Kenisha pala ang gusto mo talaga."

"That was all an act," Kien said. "I was not informed about that. But I am not courting your daughter Kelisha. I already like— no, I mean, love Nisha that day."

Tumango-tango si Papa. "K-Kukuha ako ng drinks." Mabilis akong pumunta ng kusina. Nasa kwarto kasi si Mama dahil masama raw ang pakiramdam. Si Ate naman, hindi rin lumalabas ng kwarto. Tapos si Misha, tulog pa sa kwarto ko.

Nagtimpla akong juice at dinala na agad sa kanilang dalawa. Nagpaalam akong aakyat lang para magbihis kasi aalis pa kami ni Kien, pero ang totoo... Gusto ko lang ulit i-check si Ate sa kwarto niya. Hindi nag-almusal si Ate o kahit nag kape. Nag-aalala ako. She can't hide in her room forever. All she needs is time to be alone, to think.

"Ate?" Mahina akong kumatok. "Gusto mo ba ng juice? Ipagdadala ba kita dito? Kape, Ate. Baka gusto mo. Magtitimpla ako."

Dinikit ko ang tainga ko sa pinto at wala akong narinig na kahit na ano. "Huwag mo nga istorbohin Ate mo, Nisha."

Nilingon ko si Mama. "Ma..."

"Ano ba kailangan mo? Huwag mo guluhin Ate mo," walang gana na sabi ni Mama. Kahit hindi pa ako nakakapag-salita, naglakad na paalis si Mama at pumunta sa sala. Nandoon nga pala si Kien!

Maglalakad na sana ako para sundan si Mama dahil baka awayin niya si Kien, ngunit tumigil ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Ate.

"Ate!"

She looks tired. Halatang-halata sa mata niya na umiyak siya. Buti nalang at bago ako umalis sa kwarto niya kagabi ay nakatulog na si Ate kaso mukhang matagal na siya umiiyak bago ko pa man siya makita. "May gusto ka bang kainin, Ate? Kukuha ako!"

"S-Sinong nasa baba?"

"Si Kien, Ate." Tumango-tango si Ate. "Kasama ba ni Kien... si Kade?"

Nagsalubong ang kilay ko. Kilala ni Ate si Kade? Kahit na nagtatakha ako, hindi na ako nagtanong dahil alam kong naiinis si Ate kapag marami akong tanong. "Hindi. Pero pupunta kami doon mamaya ata. May photoshoot silang dalawa para sa movie nila, Ate. Gusto mo bang papuntahin ko si Kade dito?"

Umiling si Ate at ngumiti. But her smile has pain. It's a fake smile. Puno ng sakit ang mukha niya na parang anumang oras ay iiyak ulit siya. Si Kade ba... ang nakabuntis sa kanya? Si Kade ba ang tatay ng anak niya? Imposible naman, 'di ba? Or is it possible?

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now