22

11 1 0
                                    

Sunod-sunod na luha ang tumutulo sa mata ko habang tinatakpan ang mata ni Misha para lang hindi makita ni Misha ang mga gamit na hinahagis ni Mama sa sala. "Lumayas ka dito! Hindi na kita kailangan! Hindi na kita kailangan!"

I heard Misha started to cry. Mabilis na binuhat ko si Misha at umakyat sa kwarto kahit na nagkakagulo sa sala.

"Ate..."

"Shhh..." Niyakap ko si Misha habang siya ay naka-kandong sa'kin habang kami ay nakaupo sa kama ko. "That's... That's nothing. Magiging okay ang lahat, Misha. Promise, magiging okay rin ang lahat. They are just fighting."

"Ate..." Pinunasan ko ang luha ni Misha na tumakas sa kanyang mga mata. We could clearly hear our parents from here, but we can't hear what they are saying. Ang tanging naririnig lang mula dito ay ang mga sigaw.

"Misha, sleep ka muna..." Kinumutan ko si Misha na patuloy pa rin ang iyak dahil sa nakita kanina. "Nandito lang si Ate."

Misha nodded and closed her eyes to fall asleep. After a few more minutes, when I was sure that she's already sleeping, I left the room to check my parents downstairs. Nakita ko si Ate na pinipigilan si Mama na patayin si Papa dahil may hawak na siyang kutsilyo.

"Ma, tama na..." Lumapit ako at hinawakan ang braso ni Mama ngunit laking gulat ko nalang nang hawiin ni Mama ang kamay ko gamit ang kamay niyang hawak ang kutsilyo niya na naging dahilan kung bakit nahiwa ako sa palad.

"Ma!" Galit na sigaw ni Ate. "Naririnig tayo ng kapitbahay! Pwede ba?! Pwede naman kayong kumalma!"

None of them gave my bleeding hand attention. It's not a deep cut, but I can feel pain from it. "Lumayas ka dito! 'Wag ka na babalik! Akala ko sa trabaho ka pumupunta, sa babae mo pala! Sana nakinig nalang ako sa kapatid ko! Sana hindi na kita tinanggap sa pamamahay na 'to!"

Nanlaki ang mata ko nang itulak ako ni Mama palapit kay Papa na sinusubukan pakalmahin si Mama. "Isama mo na 'to! Magsama kayong dalawa! Ayoko sa inyo at hindi ko kayo kailangan! Si Kelisha at Kemisha lang ang kailangan ko! Walang magandang maidudulot sa'kin 'yan 'pag iniwan mo ulit sa'kin!"

Bakit ako nadamay? Habang tumutulo ang luha ko at hindi pinapansin ang kamay kong nagdudugo, tumingin ako kay Papa na nakatungo lang at halatang malalim ang iniisip. "Pa... Sinabihan mo si Kien na 'wag akong lokohin... Bakit ikaw mismo... Nagawa 'yon?"

"Mahal ko nanay niyo..."

"Imposible!" Sigaw ni Mama.

"Ma... Baka magising si Misha. 'Wag po kayo sumi-" Hindi ako pinakinggan ni Mama at sumigaw na naman. Ramdam na ramdam ko ang galit.

"Umalis na kasi kayo! Pakiusap, umalis na kayo sa bahay na 'to!" Nalipat ang tingin ko kay Ate at napansin ang itsura niya na halatang stress na sa nangyayari. I remembered that she's pregnant. Hindi makakabuti sa isang buntis ang mga ganitong sitwasyon, 'di ba? Baka kung ano mangyari kay Ate o baka sumama ang pakiramdam niya.

Should I leave? I have no reason to leave our house. I'm already used to situation like this. Ang pinapaalis ako ay hindi na rin bago sa'kin. "Ma, tama na po. Pa, alis ka na muna," I said, even though I am in pain.

"Pa, umalis ka na!" Sigaw ni Ate dahil todo pigil si Ate kay Mama na lumapit kay Papa habang may hawak siyang kutsilyo. "Umalis ka na, please lang! Isipin niyo naman mga makakarinig sa atin!"

Hindi man nagsasalita si Papa, mabilis siyang lumabas agad ng bahay na hindi man lang nagpaalam. Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw ni Mama. I bit my lower lip to stop myself from crying. Ang sakit ng puso ko. Is this really true? Is this really happening? Paano na si Misha? How can I explain this to her? How will I explain to her that our father left us again and cheated? Akala ko ba babawi si Papa.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now