16

11 1 0
                                    

"Hindi ka makakapunta, ganoon?"

I nodded at them and sighed. "Aalis kasi si Ate. Paano nalang si Misha, 'di ba? Hindi naman kasi mababantayan nila Papa si Misha kasi may trabaho na raw si Papa, si Mama naman hindi niya kayang bantayan mag-isa si Misha."

"Ate mo na naman ang dahilan kung bakit hindi ka pinayagan?!" Gwy scoffed. "Ano ba 'yan! Palagi nalang, ha! Hindi mo ba alam na naiinis na kami?"

I bit my lower lip. "Sorry. Pwede naman kayo tumuloy na hindi ako kasama, eh. Hindi naman ito first time."

"For heaven's sake! We know that! This is not the first time, and it pisses us! Ano ito? Lagi ka nalang hindi sasama? Tapos lalabas na palagi ka namin iniiwan sa huli?" She chuckled and shook her head.

"Keni, we are your friends! Tingin mo ba laging ayos sa amin na hindi ka kasama?" Sabi ni Elle.

Are we?

"Of course... Ayos lang naman sa inyo 'yun. At isa pa, kahit naman sumama ako wala rin ako ibabayad. Ang mahal kaya ng mga resort. Alam niyo naman na hindi ako palaging binibigyan ni Mama ng pera." Tumawa ako na puno ng kapekean. Napadpad ang tingin ko kay Zyriel na seryoso lang nakaupo sa sofa at nakatingin sa'kin.

"Isasama ko nga sana si Misha kaso 'di talaga kami pinayagan... Sorry talaga. Pero enjoy kayo!" Ngumiti ako para ipakita na okay lang talaga.

"Hello! Ay, sorry nakisingit na ako sa usapan. Kenisha, pwede ba kita makausap?" Tumingin kami sa Mama ni Zy nang sumulpot siya bigla. Nakangiti akong tumango at sumunod sa kanya sa may kusina.

"Ano po 'yon, Tita?"

"Narinig ko kasi pinag-uusapan niyo. Gusto mo bang kausapin ko Mama mo? Ako na bahala sa entrance mo. Kung gusto mo naman, isama mo na si Misha. Sayang naman oh."

Umiling ako agad. "Hindi na po. Ayos lang po. Mas mabuti na pong nasa bahay nalang kami dahil maiiwan si Mama. Wala pong kasama si Mama kung isasama ko rin si Misha dahil hapon o gabi po ang uwi ni Papa."

"Masyado mong iniisip si Ate, Nisha. Hindi talaga niya nakikita na sobrang bait at swerte niya sayo," nakangiting sabi ni Tita. "Kung sakaling magbago ang isip mo, lapitan mo lang ako o sabihin mo kay Zyriel. Deserve niyo rin mag-enjoy, ha. Pagpasensyahan mo na si Ate."

Tumango ako at nagpasalamat bato bumalik sa sala. Seryoso pa rin ang mga kaibigan ko na nakaupo at tumingin sa'kin pagkabalik ko.

"Gusto mo ba isama si Kien?" Zyriel asked. "Kung si Kien ang magpapasama sa'yo samin, sasabihin ko sa kanya."

"Bakit ba gusto niyong sumama ako? Hindi nga ako pinayagan," buntong hininga kong sabi. "Kahit kasama si Kien, lalo akong hindi papayagan ni Mama."

"Edi magsinungaling ka? Huwag mong sabihin na kasama si Kien? I thought you are just friends. Bakit parang mas mapapasama ka namin kung kasama siya?"

Hindi nalang ako sumagot at kinuha na ang cellphone ko na nakapatong sa bag ko. Nakita kong mayroong text galing kay Kien at sinabing malapit na siya sa gate ng village namin.

"Aalis na ako. May kailangan pa akong puntahan." Bago pa man sila makapag salita, mabilis na akong lumabas dahil may pangako sa'kin si Kien na gagawin namin mamaya.

"Kien!" Nakangiting tawag ko sa kanya.

"Bakit hindi mo nalang ako hinintay sa bahay ng pinsan mo?" He opened the door for me. Mabilis akong pumasok dahil baka makita pa ako ni Mama.

Sumakay na rin si Kien at pinaandar muli ang kanyang sasakyan. "Dala mo gitara mo?"

"Oo. Are you sure about this? I mean... It is a great chance to achieve my dream, but is it really right?" tanong niya.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now