19

10 1 0
                                    

"Ma..."

"Oh, umuwi ka pa talaga! Hinahanda ko na ang gamit mo para makalayas ka! Sandali. Eto na oh." Namuo ang mga luha ko nang makita si Mama na nilalagay ang mga damit ko sa kama ko para tanggalin sa damitan ko. "Tutal gusto mo naman palaging umalis, eto na! Umalis ka na. 'Wag ka na bumalik para mabawasan naman ang iniisip ko sa pamilyang 'to!"

Sinubukan kong hawakan ang braso ni Mama para pigilan pero hinawi agad ni Mama ang kamay ko.

"Excuse me."

My tears fell from my eyes as soon as I heard Kien's voice. Sinabi kong umalis na siya. What is he still doing here? I told him to leave me here and go back to Will and Misha.

Tumigil si Mama sa ginagawa at nakataas kilay na tiningnan si Kien. "Oh, bakit ka nandito?"

"I'm Kenisha's boyfriend. I should be here. I know what's coming next."

"Anong boyfriend?!" Napayuko ako nang lumapit sa'kin si Mama. Ang wrong timing, Kien. I don't want him to see what's about to happen. I don't want him to see... what my mother is always willing to do—hurting me. Kien, please. Umalis ka na... Those are the words I want him to do, but at the same time, I want him to be here. I want him to stay. I don't want to be alone.

Napakagat ako ng ibabang labi ko nang hampasin ni Mama ang balikat ko. "Ha?! Hindi ba malinaw ang sinabi ko?! Kahit kailan talaga hindi ka marunong makinig sa'kin! Napaka tigas ng ulo mo! Buti pa ang Ate Keli mo, hindi ako kahit kailan sinuway! Nakakainis! Kung si Keli ang nagustuhan niyang si Kien, mas ayos pa sa'kin! Wala namang mayroon sayo na mapapakinabangan niya! Wala ka namang naitutulong sa pamilya na 'to, sa ibang tao pa kaya?! Maawa ka sa kanya, Nisha! Maawa ka! Wala ka pang kayang marating!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga hikbi ko. I didn't regret coming with Zy. Ine-expect ko na mangyayari 'to at handa akong harapin. Nahihiya ako sa mga naririnig ni Kien. Naririnig ni Kien kung paano ako i-compare ni Mama kay Ate.

"Wala naman akong nakikitang kulang sa anak niyo."

No, Kien. Please... 'Wag mo na idamay sarili mo... Umalis ka nalang. "She's doing her best. Why can't you see it? You didn't even bother to go to her graduation. Siya lang ang naging with high honor sa kanila. You should be proud. She was never useless."

Hinawakan ko ang pulsuhan kong mahigpit para pakalmahin ang sarili ko at pigilan ang pag-iyak ko. Huminga akong malalim habang nanatiling nakatungo. "You are her motivation to do all of her efforts. Why can't you appreciate that? Let me ask you... What's so special about her sister? What does she have that Kenisha doesn't? They are both your daughter, but you're being unfair."

"Huwag kang mangialam. Hindi porket naging boyfriend ka na ng anak ko, may karapatan ka mangialam sa problema ng pamilya namin."

"What exactly is your family problem? Based on what I can see, Kenisha is your problem. You won't be okay as long as Kenisha's here. Why? Tell me."

Bago pa humaba ang usapan at madamay nang tuluyan si Kien, inangat ko na ang ulo ko at ngumiti kahit alam kong may luha sa mata ko habang nakatingin kay Mama. Tumalikod ako agad at hinawakan ang kamay ni Kien upang hilahin palabas ng bahay. Buti na lang sumunod siya at hindi na nag matigas na manatili doon. Nang makalabas na kami, binitawan ko ang kamay niya.

"Balikan mo na sina Will... Baka hinahanap ka na no'n. Pakisabi nalang kay Misha na sumama nalang siya kila Zy pag-uwi... Please don't tell her about this. Let her enjoy. This is her first time. I don't want her to be worried... Please, Kien. Umalis ka na muna. Okay lang ako. I-I'll call you later."

Hindi ko na hinintay na makapag-salita siya dahil bumalik na ako sa kwarto kung saan ko natagpuan na nakaupo si Mama sa kama ko at nakatulala. There's a part of me that hopes my mother realized what Kien said earlier... but it is still impossible for her to understand what I feel about her treatment towards me. Kahit na alam kong umaasa ako na sana... sana nakikita niyang nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. She's my mother, but I always feel like she never saw me as her daughter. Tulad ng palagi niyang sinasabi noon pa man, sana si Ate nalang ang naging anak niya.

The Rain in Summer (Summer Series #1)Where stories live. Discover now