Chapter Thirty-One

234K 4.5K 710
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

ANG pamomroblema ni Sapphire ng damit sa darating na highschool reunion party ay sandaling nawala dahil naurong ang petsa ng party sa susunod pang buwan. Hindi niya alam kung bakit na-move, basta pinadalhan lang siya ng email ng dati niyang ka-klase para ipaalam ang pagbabago ng date.

            Eksakto naman na October na by next month kaya semestral break na. At kapag semestral break, hindi na masyado busy ang asawa niyang si Johann. Kaya nga marami na silang places na pupuntahan by next month. Naka-book na ang lahat ng tickets nila para sa travel na kailangan niyang gawin for her blog.

            "I think my schedule is full," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa planner ng iPad niya. Halos napuno ang buong October niya at mayroon na ring schedule agad ang first and second week ng November niya.

 Napangiti si Sapphire. Na-miss niya ang ganoong pakiramdam. Iyong laging may dapat puntahan at gawin. Na-stress na rin kasi siya sa pag-aasikaso ng pinapatayong bookstore niya. Although she's excited about it and having fun preparing the stuff, hindi pa rin maiwasang ma-stress siya sa dami ng kailangang pirmahan, ibilin sa sekretarya niya, sa pakikipag-usap sa mga engineer at architect, sa mga publishing companies, sa supplier ng mga kung anu-anong dapat na tinitinda sa bookstore, etc etc...

Kaya naman sabik na siyang magliwaliw. And this time, hindi na siya mag-isa. She'll be with her husband. Naiisip niya pa lang na kasama niya si Johann habang nagta-travel, siguradong masaya na. There will never be a boring time with him, she's sure of that.

"Tao po!"

Napalingon si Sapphire sa may binata nang marinig ang pagkatok sa gate sa labas. Napatayo siya mula sa sofa at saka lumabas ng bahay.

"Magandang hapon, Ma'am! Delivery lang po para kay Mrs. Sapphire Anderson."

Napataas siya ng kilay. Binuksan niya ang gate. "Ano ba? Noong isang linggo pa iyan, ah?" pagtataray niya na sa inosenteng delivery man na araw-araw na yata nakikita.

Naiinis na talaga siya. Mula nang maka-receive siya ng isang package na naglalaman ng magandang gown mula sa unknown sender ay nagsunud-sunod na iyon.

Napakamot sa ulo ang delivery man. "Ma'am pasensya na po talaga. Tagapadala lang po kasi ako. Saka po kasi kapag nagche-check naman po kami ng ipinapadala sa inyo, safe naman po iyong mga gamit. Kaya po pinapadala pa rin namin dahil hindi niyo naman po ikapapahamak."

Humalukipkip siya. "Eh, I don't know nga who's the sender. Anong hindi ikapapahamak? It's creepy and annoying!"

Nang ibinalik nila ni Johann ang unang package ay natanggap niya lang ulit iyon nang sumunod na araw. Pero hindi niya na ipinaalam kay Johann iyon lalo na at ibang note naman ang kasama ng package. The note says:

"Please, Sapphire. Keep this, hija. It's for you. This dress is only meant for you."

Hija? So, most probably, matanda ang nagpadala. Pero sino? Hindi ang Mommy niya, sigurado siya. Lalong hindi naman ang yumao niyang Lola! Ngunit base sa note na kalakip ay parang kilala talaga siya ng nagpadala.

Pagkatapos ng unang package na pinadala sa kanya ay nasundan naman iyon ng ilang pares ng sandals, shoes, flipflops, and heels. Parang pinasadya ang mga iyon para sa kanya dahil talagang nakaburda o naka-print ang pangalan niyang 'Sapphire Danaya' roon. Ibinalik niya rin iyon pero bumalik lang rin ulit sa kanya. The third package was a set of her favorite branded handkerchiefs. Hindi niya na sinauli iyon at tinanggap na lang ngunit hindi niya pinaalam kay Johann iyon.

Lahat nang natatanggap niya ay itinatago niya sa kuwarto niya sa mansyon ng Lola niya. Limang araw niya nang ginagawa iyon at kung tatanggapin niya ang padala ngayon ay pang-anim na iyon.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon