CHAPTER THIRTEEN
MATAAS na ang sikat ng araw sa hapong iyon pero walang nakapigil kay Sapphire para ayain ang mga kasamang mag-swimming.
Ang boring kasi sa loob ng bahay at halatang nagpapaka-busy lang iba para may maiwasan.
"Ang wrong timing mo naman mag-aya ng swimming, Misis. Tirik na tirik ang araw." Binuksan nito ang dalang payong at ipinayong nito iyon sa kanilang dalawa.
"Can't you feel the tension inside the house? At saka yung mga pinsan ko, hindi pa maglalabasan ng kuwarto kung hindi ko inaya."
"Kaso, sa tingin mo sino ang magsi-swimming? Lahat nagtatago sa ilalim ng beach umbrella. Tignan mo." Itinuro nito ang mga tao na may kanya-kanya pa ring business habang
Sina Lavender, Crystal Jane, at Haley ay "abala" sa cellphones ng mga ito. Sama-sama ang tatlo sa iisang beach umbrella. Habang si Charlie naman ay nakikipagkuwentuhan kay Ramses na parang walang choice kundi makinig sa kalokohan ng pinsan. Reynald was busy taking pictures while Gideon was reading a book.
Wala si Ibarra. Nagpaiwan sa beach house dahil mas gusto daw nitong matulog.
Napabuga siya ng hangin. "Ang boring kasi sa loob ng bahay, eh."
"Mag pa-games tayo, gusto mo?"
Napasimangot siya. "What is this? A children's party?"
"Nagsa-suggest lang, Misis. Saka ano naman kung maglaro? Bakit, bata lang ba ang naglalaro?"
Umiling lang siya. "Hindi pa ba natin gagawin ang plano natin?"
Umiling ito. "Mamayang gabi na pagtapos ng hapunan. Kakausapin ko rin si Charlie at Kuya Bari para may kakampi pa tayong iba. Ikukulong lang naman natin sila sa tig-iisang kuwarto."
Tumingin siya sa dagat. Parang ang sarap talagang lumangoy ngunit baka naman magka-sunburn siya kahit pa maglagay siya ng sunblock kapag lumusong siya habang tirik na tirik ang araw.
"Mister."
"O?"
"Di ba, close ka kay Lord? Can you ask na magtago na lang yung sun behind the clouds? Para kumulimlim and so we can take a swim?"
"Aba matindi. Ikaw, try mong magdasal. Baka dinggin ka. Birthday mo naman."
Lumabi siya. "Sabay na lang tayo."
"Duet pa gusto mo?"
"Ewan ko sa'yo. Ako na lang nga." Alam naman ni Sapphire na napaka-imposible na kumulimlim ng kahit kaunti dahil sa sobrang taas ng araw. Pero wala namang mawawala kung susubukan niyang magdasal, hindi ba? Lalo na, gustung-gusto niya na talagang mag-swimming.
Pinikit niya ang mga mata, tumingala, at pinagsalikop ang mga kamay. "Lord, can you take the sun away? Just a little bit? Pakitago po muna sa likod ng mga ulap. Gusto ko po mag-swimming para makapag-swimming na rin po ang ibang tao. Please?"
She heard Johann chuckled.
Napadilat siya at napatingin rito. "What? Am I doing it wrong?"
Pinigil nito ang pagtawa. Ngumiti lang ito at saka umiling. "Sige lang. Continue. Close your eyes and pray."
Inulit niya nga ang pagdadasal. Mas pinikit niya ng mariin ang mga mata at mas pinagsalikop ang mga kamay. Napaka-imposible talaga na magtago ang araw, pero sinubukan niya pa rin. "Lord God, sige na po. Pang-birthday niyo na lang sa'kin. Please?"
Unti-unti siyang napadilat. At tirik na titik pa rin ang araw. Nalaglag ang mga balikat niya at napalingon sa asawa. Napataas ang kilay niya nang makitang titig na titig ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...