Chapter Eight

229K 5.6K 947
                                    

CHAPTER EIGHT

MUKHANG kawawa na prinsesa ang itsura ni Sapphire habang naglilinis siya ng toilet bowl. Kahit pangalawang beses niya na iyon sa paglilinis ng banyo ay nandidire pa rin talaga siya sa paglilinis. Mas okay na lang na maghugas siya ng pinggan o kaya ay magwalis. So far, sa lahat ng chores na natutunan niya, ang paglilinis talaga ng banyo ang pinaka-ayaw niya.

"O, bakit nakasimangot ang misis ko?"

Inirapan niya lang si Johann na nasa bungad ng pinto ng banyo. Naka-uniporme na ito at umiinom ng kape. Tapos na ang one-week honeymoon leave nito sa university kaya papasok na ito.

"Ang sungit mo naman sa umaga. Papangit ka niyan, sige ka."

"I don't get it why I have to clean the toilet this early morning!" angal niya at saka tinanggal ang gloves na suot. Tapos na ang nililinis niya. Puting-puti na ulit ang bowl.

"Huwag ka ng umangal. Tapos na, eh. Nakapaglinis ka na."

May point. "Whatever. Babaguhin ko iyong ginawa mong schedule, hindi na ko maglilinis ng banyo sa umaga," aniya habang naghuhugas ng mga kamay. Pagkatapos ay tinulak niya ito para makalabas siya ng pinto.

Dumiretso siya sa dining table at saka kumain ng niluto ni Johann na agahan which is hotdogs and scrambled eggs. Bumili rin ito kanina ng pandesal sa bakery sa kabilang street.

"Huwag ka na ngang sumimangot. Smile na, Misis," nakangiting pang-uuto sa kanya nito at saka inabot ang isang baso ng fresh milk sa kanya.

Hindi niya ito pinansin pero tinanggap niya ang baso ng gatas.

"Ngumiti ka na para may inspirasyon ako sa trabaho ko. Bilis na." Marahang kinurot pa siya nito sa pisngi.

Ngumiti nga siya. Pero yung halatang fake, yung halatang pilit.

Natawa si Johann. "Ang ganda mo talaga." Inubos na nito ang kape. "Pasok na 'ko. May klase pa 'ko ng alas-otso." Kinuha nito ang susi ng kotse sa sabitan ng mga susi sa may tabi ng kusina. "Aalis ka ba mamaya?"

Tumango siya. "Nag-aya sila Lavender na mag-spa at mag-shopping before lunch," sagot niya.

"Sige. Kapag umalis ka, siguraduhin mong lahat ng appliances nakahugot sa saksakan, ha? Patayin mo rin iyong mga ilaw tapos iyong back door siguraduhin mong naka-lock. Pati iyang pinto sa harap," bilin nito. "Anong oras ka uuwi?"

"I don't know. Anytime I like."

Kumunot ang noo nito. "Huwag kang magpagabi. Wala akong kasama mag-dinner."

"So?" Eh, paano kung mapasarap sila ng mga pinsan niya sa pagsha-shopping? Siyempre, hindi naman siya puwedeng umalis at iwan ang mga pinsan.

"Anong 'so'? Paalala lang, Misis, hindi ka na single. May asawa ka ng pogi na uuwi mamaya at magluluto ng hapunan. Get home before seven."

Now, she has a curfew? Argh! "I'll try."

"Kapag ikaw, hindi ka umuwi bago mag-alas siyete, papaluin kita sa puwet."

"Subukan mo lang."

"Joke lang. Basta umuwi ka, ha? Ayokong masyado kang ginagabi sa labas ng bahay. Babae ka pa man din. May asawa ka pa. Kapag may nakakita sa'yo sa labas na sobrang gabi at hindi ako kasama, baka isipin, pabaya akong asawa. Masisira din image mo, sige ka."

May point na naman ito! Lagi na lang. "Okay, fine! Umalis ka na nga. You're going to be late for your class," pagpapalayas niya na rito.

Tumingin ito sa Rolex wristwatch nito. "Oo nga. Sige, iyong mga bilin ko, ha?" Naglakad na ito palabas ng pinto.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon