Chapter Forty

166K 4.1K 311
                                    

CHAPTER FORTY

PINAKIRAMDAMAN ni Sapphire si Johann magmula nang manggaling sila sa Pagsanjan Falls hanggang sa makauwi sila sa tinutuluyan nilang farm resort.

Hindi na uli nagsalita si Johann mula nang aminin nito ang isang masakit na nakaraan na ikinagulat niyang pinagdaanan nito. Hindi ito nagkuwento ng buong detalye. Pinunasan lang nito ang luhang pumatak kanina at saka mabilis siyang inaya nang umuwi.

Naisip niya, sa nakalipas na mga buwan na mag-asawa sila, Johann never really told her everthing about his mother's family. Ang alam lang niya, galing din sa mayamang pamilya ang nanay nito ngunit tinakwil nang pinagbubuntis ito. Hanggang doon lang ang alam niya. Pagkuwa'y naisip niyang, anong klaseng asawa ba siya? She never bothered to ask Johann about the whole story.

Palibhasa kasi, puro siya ang may issue sa pamilya at sa sarili. Doon na lang lagi silang nakatutok. Subalit, ni minsan naman kasi ay walang nabanggit si Johann kaya naman kahit minsan ay hindi nila na-brought up iyon.

"Mister..." mahinang tawag niya rito pagkalabas nito ng banyo. Nakasando na ito at shorts habang pinapatuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya.

Tumingin ito sa kanya ng walang ekspresyon sa mga mata. "Matutulog muna ako. Pakigising na lang ako kapag pupunta na tayo sa dinner ng kaibigan mo," kaswal na sabi lang nito at saka humiga ng kama.

Napabuntong-hininga siya. Halatang umiiwas na ito sa mga tanong niya tungkol sa mga sinabi nito kanina.

"Minsan kong pinilit na mag-adjust diyan sa mundo niyo. Resulta? Minaliit lang ako. Hinamak...tinaboy. Pinagsalitaan ng masama. Kinutya ng mayayaman. Hindi lang basta mayayaman...pamilya sila ng Mama ko. Pero hindi nila ako matanggap dahil bastardo ako. Kahihiyan ang Mama ko sa pamilya nila... Ako? Dungis na 'ko sa reputasyon na iniingatan nila..."

Unang beses niyang marinig ang sobrang sakit sa tinig ni Johann. His words cut deep inside her heart. Kahit hindi niya pa alam ang buong kuwento, ramdam na ramdam niya ang panghahamak rito.

Tinignan niya ang asawa na ngayo'y nakapikit na at patagilid na nakahiga, paharap sa dingding.

She did it again. Na-spoil na naman niya ang isang masayang araw dahil sa pagpayag niyang makipag-dinner kasama si Sylvia at ang asawa nito na hindi hinihingi ang permiso kay Johann.

Tatawagan niya na lang si Sylvia mamaya at ipapa-cancel niya muna ang dinner. Wala na siyang ganang lumabas pa kung ganitong ramdam niya ang bigat sa damdamin ni Johann.

Lumapit si Sapphire sa kama at humiga sa tabi ng asawa. She hugged him from the back. Alam niyang gising pa ito.

"Johann..."

Hindi ito sumagot bagkus ay naramdaman niya ang paghawak lang nito sa kamay niya. Nakiramdam lang ulit siya at base sa pantay na paghinga ni Johann ay tuluyan na nga itong nakatulog.

Mukhang wala talaga itong balak banggitin ulit ang mga sinabi kanina. But she wanted to learn more about his past.

Paano kaya?

***

"WAKE UP, Mister! Dinner's ready!" Sapphire softly tapped Johann on the face. "Mister! Kain na tayo."

Unti-unting nagising at mapungay na dinilat ang mga mata. Napahikab ito. "Aalis na ba tayo?"

"Hindi na. I canceled the dinner with Sylvia. Ayoko nang lumabas, eh," aniya habang bumabangon ito at nag-iinat.

Napatingin ito sa kanya habang kinukusot-kusot ang mga mata. "Sigurado ka? Nakakahiya naman doon sa kaibigan mo."

"Nah. She's not a 'friend'-friend. You know. And I don't care of what she's thinking. Basta ngayon, kain na tayo. I ordered sisig! Look!" sabay turo niya sa kainan kung saan nandoon ang sizzling sisig na in-order niya via room service.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon