CHAPTER FORTY-EIGHT
HABANG nagsusulat si Johann sa blackboard ay may kaunting ingay siyang naririnig mula sa klase. Ngunit hindi naman abala sa kanya iyon dahil sanay na siya. Hindi naman ganoon kalakas iyon dahil dalawampu lang naman ang estudyante niya para sa summer class na iyon.
Humarap siya sa mga estudyante niya pagkatapos magsulat. "Find the derivative of the following functions. Who wants to solve the problems on the board for a graded recitation?"
May tatlong nagtaas ng kamay kaya agad niyang tinawag ang mga iyon. Kailangan niya pa ng dalawa kaya nagtawag na lang siya mula sa class record na nasa ibabaw ng desk niya.
"Borja? Neil, Solve problem number four." Agad namang tumayo ang tinawag niyang estudyante at lumapit sa board.
"For problem number five...del Rosario," he announced. Nag-angat siya ng tingin nang hindi tumayo ang estudyanteng tinawag niya. "Del Rosario? Cindy?" tawag pansin niya sa dalagang parang tulala habang nakatingin sa labas ng bintana ng classroom.
"Cindy, tawag ka ni Sir!" kalabit rito ng katabi.
Napapitlag naman ang dalaga at saka napatingin sa kaklase nito pagkatapos ay sa kanya. "S-Sir!" anito at mabilis na ngumiti. "I'm sorry, Sir...Ahm, a-ano po gagawin?"
Inabutan niya ito ng chalk. "Find the derivative of the function, Cindy. Sa number five ka," mapagpasenyang sabi niya rito. Agad namang tumayo si Cindy at kinuha ang chalk sa kanya. Pagkuwa'y sumagot na ito.
Sanay na siyang maka-encounter ng mga tulalang estudyante kaya hindi na bago sa kanya iyon. Isa pa, sa nakalipas na isang linggo mula nang magsimula ang summer class ay attentive naman si Cindy. Actually, buong klase niya ay attentive. Second take naman na kasi ng mga ito ng Calculus I. Kaya nag-summer ang mga ito dahil bumagsak ang mga ito last semester. Iba ang klase niya para sa mga nag-a-advance naman na estudyante.
"Sa mga hindi sumagsagot sa board, sumagot din kayo sa scratch paper. Akala niyo makakatakas kayo, ah?" nakangising sabi niya sa mga nakaupo lang. Nag-ungulan sa protesta ang mga ito. "Sige na. I'll dictate the function then find its derivative using the product rule. Graded recitation din 'to."
Nagkuhanan naman ng scratch paper ang mga ito at saka sinulat ang dinikta niyang function.
Habang sumasagot ang mga ito ay tapos na ang tatlo sa limang nagsasagot sa board. Ang naiwan na lang ay si Cindy at si Neil-na naging estudyante niya rin noong nakaraang taon kasabay nina Cindy.
Napansin niyang tapos na si Neil sa pagsagot ngunit nanatili ito sa board at tinulungan si Cindy na mukhang nahihirapan.
Hinayaan lang iyon ni Johann dahil siya rin naman ang magbibigay ng grade mamaya sa mga ito.
"Hay nako, tinutulungan na naman ni Neil ang girlfriend niya."
"Sus, ano pa maasahan mo diyan kay Cindy? Tulala nga kanina, paano pa makakasagot? Siyempre tutulungan siya ng syota niya. Hmp. Ang dali lang kaya ng binigay ni Sir na function."
Bahagyang nilingon ni Johann ang dalawang estudyante na mahinang nagtsitsismisan sa likod niya. Nagkibit-balikat lang siya. Wala namang problema kung may magnobyo man sa loob ng klase niya.
Tumikhim siya nang makitang halos si Neil na ang sumasagot ng problem ni Cindy. Aba, unfair na iyon.
Napalingon sa kanya si Cindy. "Sorry po, Sir Johann. I...I don't know what to do po..." pag-amin nito at saka napayuko.
"Sir, ako na lang po sasagot para kay Cindy," sabi ni Neil.
Nagkaroon ng kantiyawan sa klase dahil sa sinabi nito. Umulan ng "Yihee!" at "Ayiee!". Bahagya naman siyang napangiti. O, pag-ibig nga naman!
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...