CHAPTER NINE
"TYPE ka ni Mommy!"
Napakunot-noo si Johann. "Paanong type? Type na maging manugang? O anong masama roon?"
"Stupid! Hindi iyon. Type ka ni Mommy. As in boyfriend material type!"
Ang lakas ng tawa nito. "Ang pogi ko naman. Shet!"
Hinampas niya ito sa braso. "Magseryoso ka nga! Basta tandaan mo ang mga sinabi ko, okay? Huwag ka magpapa-cute kay Mommy."
Humalukipkip ito. Hindi na ito tumatawa ngunit ang mga mata nito ay halatang aliw na aliw. "Misis, what made you think na magpapa-cute ako sa Mommy mo? Pogi nga ang mister mo, pero magalang 'to!" sabay turo sa sarili. "Magpa-impress man ako, magpapa-impress ako para mapatunayang karapatdapat akong maging asawa mo."
Siya naman ang nangunot ang noo. "You don't have to prove anything to my mom. Alam naman niya ang real status natin. I mean, alam niyang nagpakasal lang ako sa'yo just to have my inheritance."
"Ay, ganon? Sige, magpapa-cute na lang ako sa Mommy mo-aray!"
Malakas niya kasing kinurot ito sa tagiliran. "I know that my Mom is a sexbomb, but please, don't lead her on."
Napakamot sa ulo si Johann. "Joke lang kasi iyon, Misis. At sinong matinong lalaki na papatol sa ina ng asawa niya? Maybe, hindi tayo mag-asawa sa totoong kahulugan niyon pero ginagalang naman kita. Lalo na ang Mommy mo. Kahit hindi mo 'ko warning-an, I'll never flirt back to your Mom." Nagsalubong ang kilay nito. "Ang baba naman yata ng tingin mo sa'kin?"
Johann looked offended and guilt stroke Sapphire. Napayuko siya. "Eh, kasi..."
"Kasi ano?"
Napanguso siya. "Nasanay lang kasi ako... Yung mga kaedaran mo kasi na lalaki ang mostly na nagiging boyfriend ni Mommy. Well, hindi ko naman sila masisisi kung attracted talaga sila sa Mommy ko." Her mother does not look her age and she's too young looking to have a twenty-seven year old daughter. Sobrang ganda at nag-uumapaw ang alindog ng Mommy niya.
Johann lifted her chin and looked at her. "Iba ako sa kanila. Okay?"
Iniwas niya ang baba. "Lalaki ka rin. Paano kang naiba?"
"Kasi pogi ako."
She rolled her eyeballs. "May mas guwapo pa sa'yo."
"Oo nga. Pero wala silang asawa na man-hater."
"What?" Hindi niya ma-gets ang point.
Inabutan siya nito ng suklay. "O, magsuklay ka muna para maintindihan mo 'ko. Next time na makikipagsabunutan ka sa mall, siguraduhin mong hindi rin nag-shake iyang utak mo para nagkakaintindihan tayo."
Kinuha niya ang suklay at nagsuklay nga. "Basta, Johann, ah..." paalala niya ulit dito.
"Yes, Misis!" Sumaludo pa ito sa kanya at saka lumabas ng kuwarto nila. Agad naman siyang sumunod rito habang nagsusuklay pa siya ng buhok.
"Mommy Mercy, dito na po kayo mag-dinner. Nagluto po ako ng hapunan," magiliw na paanyaya ni Johann sa Mommy niya.
"Oh! That would be nice!" Nagniningning pa ang mata ng kanyang ina. "I'm impressed that you can cook. Iilan lang ata ang lalaki na kayang magluto," sabay hawak pa ng ina niya sa braso ni Johann.
"Ay, oo, Mommy!" Bigla niyang singit at saka kinuha ang braso ni Johann na hawak nito. Inakbay niya pa mismo iyon sa balikat niya. "Naranasan po kasi ni Johann na maging houseboy noon kaya marami siyang trabahong pambahay na alam."
"Really?" Her mother looked shock. Hindi siguro nito inaasahan na naging houseboy ang asawa niya.
"Opo," nakangiting sagot ni Johann. "Nung ten years old po ako, hindi ko pa po kilala ang totoo kong ama, namasukan po ako. Hanggang sa kinalakihan ko na po." Mas hinapit siya nito sa balikat. "Nagluto rin po ako ngayon kasi alam kong wala 'tong si Sapphire. Naisip ko po na ipagluto siya."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...