Chapter Two

257K 6K 934
                                    

CHAPTER TWO

"GOOD morning!"

Kahit hindi ipahalata, alam ni Sapphire na nagulat ang pinsan niyang si Reeve nang makita siya sa pintuan ng opisina nito.

"Sapphire? What are you doing here?"

Nginitian niya ito. "May I come in?"

Tumango ito at niluwagan ang pinto.

"Sorry for disturbing you. Wala kasi ang secretary mo sa labas kaya dumiretso na 'kong kumatok dito sa opisina mo," paliwanag niya agad habang dire-diretsong pumasok at nilibot-libot ang tingin. Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito.

"It's fine. Pinsan naman kita. But, I'm quite surprise that you're here today. May I know why?" diretsang tanong nito, hindi pa man umiinit ang puwit niya sa kina-uupuan.

Umupo ito sa puwesto nito at tinitigan siya. Reeve's powerful. Ito ang may hawak nang dalawang pinaka-bigating hotel sa buong bansa. He's so high and mighty while sitting on his place. Pero kahit kailan ay hindi siya na-i-intimidate ng pinsan niya. Wala kahit isang lalaki ang naka-intimidate sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin nito. "Hindi mo man lang ba 'ko aalukin ng kahit ano? Like juice, coffee, or water?"

"Come on, Sapphire. Kailan ka pa tumatanggap ng kahit anong alok ng lalaki? Might as well not to offer you anything. Besides, kapag gusto mo naman, sasabihin mo."

Napataas ang kilay niya. Kahit hindi sila malapit sa isa't isa ay kilalang-kilala siya nito. "Paano mo nalaman iyan?"

He shrugged. "Observations."

She rolled her eyeballs. "Yeah, right. If I know, si Mommy ang nagsasabi ng mga bagay tungkol sa'kin." Humalukipkip siya at diniretso ang upo. "Anyway, you're right. You don't have to offer me anything. I need your help," diretsang sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "What kind of help?"

"Alam mo ang nakalagay sa last will ni Lola Marcelina, di'ba? I won't be able to take my part sa mana, hanggang sa hindi pa 'ko nakakasal."

Marahang tumango ito. "What about it?"

"I have a deadline, Reeve. Dapat kasal na 'ko on or before I reached the age of twenty-eight. And my birthday is just a month away. Magte-twenty-eight na 'ko next month!"

"Get married, then," he simply said.

Napasimangot tuloy siya. Ang dali lang dito sabihin iyon. Porke't wala itong problema sa parte ng mana kaya relaxed na lang ito. "Madali lang magpakasal kung may pakakasalan. Kaso, wala. At kaya ako nandito, magpapatulong ako sa'yo."

Lalong nangunot ang noo nito.

"Find me a husband!" she demanded.

Doon na nito hindi naitago ang gulat. "Come, again?"

Mabilis na ipinaliwanag niya rito ang napag-usapan nila ng mga babae niyang pinsan. Habang tumatagal ang paliwanag niya ay lalong lumalalim ang mga kunot sa noo ng pinsan niya.

"That's a ridiculous plan, Sapphire," tanging komento nito pagkatapos ng pagpapaliwanag niya.

"Wala na 'kong pakialam eventhough that's the most weirdest plan ever! Basta, I need a groom. Kailangan ko ng lalaking papayag sa inaalok ko. At sigurado ako na may mare-'refer' ka naman sa'kin kahit papaano. Come on, Reeve! I'm a family, you should help me! Kailangan ko ang mana 'ko. I have plans for it."

Napailing-iling ito. "Parang niloko mo si Lola kung gagawin mo iyan."

Napapikit siya. "I know! But she left me with no choice! Argh! Alangan namang ma-inlove ako sa loob ng isang buwan lang? I hate men! So, there's no chance that I could love them a bit!" Exemption lang ito, ang Papa nito, ang Lolo nila na matagal na ring yumao, at ang ama ng mga pinsan niyang babae. "Tulungan mo na'ko. Alam kong marami kang kakilala. Iyong mga pinsan ng asawa mo? O kaya iyong mga colleagues mo?"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon