CHAPTER THIRTY-FIVE
"OKAY. You can open your eyes now!"
Dahan-dahang idinilat ni Johann ang mga mata at kitang-kita ni Sapphire rito ang pagkamangha sa nakita.
Nginitian niya ito. "Surprise! This is your new car!" Hinila niya ito palapit sa kotse. "Did you like it?"
Nakita niya kung gaano suyurin nang buong paghanga ni Johann ng tingin ang kotse. Marahang hinaplos pa nito iyon na para bang natatakot itong magasgasan kapag napadiin ang hawak nito.
"Eto iyong kotse na regalo mo sa'kin?" baling nito sa kanya na nagniningning ang mga mata.
"Obviously. It's the 2014 Mercedes-Benz E-Class E350 Cabriolet. It's one of the latest model cars that MB released this year," imporma niya rito. "Anong masasabi mo?"
Malawak na napangiti ito. "Ang pogi ng kotse na'to! Astig!" Patuloy pa rin ito sa pagsuyod ng tingin sa kotse. Bawat sulok ay tinitignan nito.
Napapangiti na lang rin si Sapphire habang pinagmamasdan niya ang asawa na parang excited na bata habang nakatingin sa kotse. The cabriolet is a two-door car that can carry four to five passengers. Lunar Blue Mettalic ang exterior color at gray naman ang interior. Top-down styled din ang bubong at nagmamalaki sa harap at likod ng kotse ang Mercedes-Benz logo.
"Like I've told you, dapat sa Pasko ko pa 'to ibibigay. But to make sure that you won't come home again na basang-basa ng ulan dahil tumirik ang kotse mo, ngayon ko na 'to ibibigay sa'yo." Umupo siya sa hood ng kotse. Tinukod niya ang mga kamay at pinag-cross ang legs niya.
Napatangu-tango si Johann. "Eh, ano nang gagawin ko sa Vios ko?"
"Let's still keep it. Dito natin itago sa garahe ng mansyon. I know naman na wala kang lakas-loob na ibenta iyon kasi first car mo iyon. Kaya, isama na lang natin sa collection rito."
Iginala ni Johann ang tingin sa napakalaking garahe ng mga Monteverde. From vintage cars to modern ones, they got it all.
"Car collector ang Lolo namin bago siya namatay," naisip niyang ikuwento rito. "When he's gone, Lola kept his car collection kasi magagalit daw si Lolo kapag ibinenta niya sa iba pang car collectors."
"Nakakahiya namang ihanay rito ang kotse ko."
"Nope. I don't think so. In the future, ma-appreciate ng marami ang 2007 Toyota Vios mo katulad ng pagka-fascinate ng ibang tao ngayon sa mga 1950 Volkswagen. So, qualified siya sa car collection."
Binuksan ni Johann ang pinto ng driver's seat at umupo roon. Tinignan nito ang mga features ng kotse sa loob at sa bawat paghawak nito ng mga bagay sa loob ay napapangiti ito.
"You like cars, don't you?"
Napatingin ito sa kanya. "Sino bang lalaki ang ayaw sa kotse?" Hinaplos nito ang manibela. "Magkano bili mo rito?"
"I won't tell you. It's a gift! Bakit ko sasabihin ang presyo?" Inabot niya rito ang susi na kasama ng car remote. "Anyway, the price does not matter. Para naman kasi sa'yo 'yan. Good guys like you deserves good cars like this."
Lumabas si Johann mula sa kotse at saka tumayo sa harap niya.
"So, are you going to accept it or pagtatalunan pa natin kung bakit ako bumili ng mamahalin na kotse para sa'yo?"
Umiling ito at tinignan siya. "Hindi ko 'to kotse. Kotse natin 'to," mariing sabi nito sa "ko" at "natin". "Hindi ako makikipagtalo dahil ipokrito ako kung sasabihin 'kong hindi ko nagustuhan. Mercedes-Benz na 'to, aarte pa ba 'ko? Minsan sa buhay ko, nangarap naman ako ng ganitong ka-astig na kotse."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...