Chapter Fourteen

194K 5.3K 327
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"MAGIGING okay lang kaya sila?" nag-aalalang sabi pa rin ni Sapphire.

Hinawakan ni Johann ang kamay niya. "Hayaan mo na sila diyan. Nagpapahinga na sina Charlie at Kuya Bari. Sinabihan mo na rin ang mga kasambahay na huwag papalabasin ang mga kinulong natin, di'ba? Wala na tayong problema. Nasa anim na lang kung magkakaayos sila." Hinila siya nito at bumaba sila ng hagdan.

            "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya rito.

            "Doon ulit tayo sa may dagat. Maglakad-lakad tayo."

            Hindi na siya tumutol dahil gusto niya ang idea nito.

Nang nasa labas na sila ay hawak pa rin nito ang kamay niya. Ayaw bitawan. Hindi na lang rin niya binawi. Masarap naman sa pakiramdam ang mainit na palad nito na bumabalot sa kamay niya.

            Malamig na malamig ang hangin pero sapat na ang init sa kamay nito para maging komportable ang pakiramdam niya.

            "Two hours na lang, birthday mo na. Gusto mo mag-count down?"

            Napatingin siya sa suot na wristwatch. "Oo nga, ano? Well, I don't do count downs. Matutulog na 'ko pagkatapos nating maglakad."

            "Hindi mo hinihintay ang birthday mo? Aren't you excited? Once a year lang dumadating ang araw mo."

            "Magigising naman ako bukas. Bakit kailangan ko pang maghintay hanggang mamaya?"

            Natawa ito. "May issue ka rin sa paghihintay, ano? Sabagay, mayaman ka. Maraming bagay na hindi mo kailangang hintayin para mapasa'yo."

            She just shrugged. "Ikaw ba? Nagka-countdown ka kapag dumadating ang birthday mo?"

            "Oo. Masaya kaya. When the clock strikes twelve, araw ko na iyon. It's something that I'm thankful for."

            He swayed their clasped hands. "Misis?"

            "Yes?"

            "Kung hindi ka pala talaga man-hater... bakit ayaw mo sa mga lalaki? May nagawa ba ang mga lalaki sa'yo kaya ka ganyan? Naloko ka ba dati?"

Umiling siya at nilayo ang tingin rito. Tumingin siya sa madilim na dagat na kalmado. "Kaya ko nasabunutan si Lavender noon sa mall kasi natamaan ako sa mga sinabi niya."

            "Ano bang sabi niya?"

            Oras na siguro para mag-share pa siya sa asawa ng mga bagay na matagal niyang kinikipkip at kahit isa ay wala siyang pinagsabihan.

"Ayoko sa mga lalaki kasi... as I grow up, nakita ko kung gaanong bigyan sila ng atensyon ni Mommy. Yung mga boyfriends niya, sobrang pampered niya. Kahit wala nang oras sa'kin ang Mommy ko at naalala niya lang yata ako kapag wala siyang boyfriend, masaya naman ako kapag masaya siya...Naiinggit ako sa mga lalaki kasi may oras sa kanila si Mommy..." Nakagat niya ang mga labi nang nagbadyang tumulo ang mga luha niya. She hates crying. Ugh!

"N-Nagagalit din ako kapag... k-kapag hinihiwalayan nila si Mommy. Tapos makikita ko siyang umiiyak. Naiinis ako sa mga naging boyfriends niya kasi sinayang nila ang love and time ng Mommy ko. Eh, buti nga sila, naramdaman nila iyon sa Mommy ko, tapos sasaktan lang nila siya? K-Kaya ayoko sa mga lalaki, eh. Naiinggit ako kasi sila lang nagpapasaya sa Mommy ko, sinasaktan pa nila..." Napasinghot siya. "K-Kung ako na lang ang binigyan ni Mommy ng time and love, I'll assure her na hindi ko siya sasaktan. But maybe, being a child out of wedlock, I'm never enough to make her h-happy..."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon