Special Chapter

211K 5.5K 1K
                                    

"Many are the plans in the mind of a man but it is the purpose of the Lord that will be established." 

– Proverbs 19:21

***

TOTOO pala talaga na kahit gaano mo na katagal o palaging kasama ang isang tao, hindi pa rin lahat ay alam mo tungkol rito.

Sa loob ng dalawang taong pagsasama nina Sapphire at Johann, marami na silang mga kuwentong pinagsaluhan at mga binahaging sikreto sa isa't isa. Kahit mag-asawa ay nanatili naman ang pagiging pribado nila sa ilang aspeto ng mga bagay. But nevertheless, wala naman na silang tinatago sa isa't isa na isang malaking parte ng pagkatao nila.

Ngunit sa mga nababasa ni Sapphire ngayon sa mga article sa internet, mukhang hindi siya na-inform ni Johann tungkol sa pakikipagsapalaran nito sa mundo ng Mathematics.

Nag-click siya ng isang heading ng article. Lumabas na naman ang isang larawan ni Johann noong nasa 20s pa ito kasama ang colleagues nito.

Filipino high school Math teacher, Mr. Johann Lawrence V. Asuncion brought home the "Best Thesis in Mathematics" award from the prestigious Asian academic competition for Mathematical researches...

Tinignan ni Sapphire ang taon nang competition. Johann was just twenty-three then!

Bumalik siya sa results page at nakakita na naman ng isa pang headline.

High school Math teacher and professor authored 12 Math textbooks in highschool. Mr. Johann Lawrence V. Asuncion, et al's books are the most recommended Math textbooks in the Philippines and in Southeast Asia...

"Asuncion" pa ang gamit ni Johann na apelyido sa lahat ng sinalihan nito nang nasa twenty's pa ito dahil early thirties na ito nagging Anderson.

So, she's not just imagining things. Sa bookstore niya ay palagi niyang tinitignan ang mga pumapasok na librong ibebenta galing sa iba't ibang publishing companies. One time, nang nasa bodega siya para tignan ang mga deliveries, she came across certain textbooks.

Mula sa screen ng laptop at nalipat ang tingin niya sa mga librong galing sa bookstore na inuwi niya kahapon lang.

Advance Algebra and Pre-Calculus by Asuncion, Johann Lawrence V.

Ngunit dumating ang latest edition ng textbook na iyon nung isang araw. Napalitan na ang apelyido ni Johann.

Advance Algebra and Pre-Calculus by Anderson, Johann Lawrence V.

Ganoon din sa iba pang mga textbooks na kinuha niya.

Trigonometry (Plane and Spherical). 4th Edition by Johann Lawrence V. Anderson, et al.

The Beginner's Algebra. 3rd Edition by Johann Lawrence V. Anderson.

Hindi madaling gumawa ng textbook at hindi lahat ay makakayang makagawa niyon. Lalo na ang textbook pa ay Math! Gosh! Mathematics is the most hated subject by many.

Pero sa Mister niya? Eto at nakagawa pa ng mga libro para sa iba't ibang branches ng Math! Nakakagawa pa ito ng research at thesis! Nasasali pa sa mga competition sa ibang bansa at nanalo!

Oh, my gosh.

Hindi alam ni Sapphire kung bakit hindi nababanggit sa kanya ni Johann ang mga naglalakihang achievements nito.

"Nanay!"

Napayuko siya at nakita sa gilid niya ang isang taong gulang na si Isaiah. May hawak itong papel at winagayway nito iyon.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon