CHAPTER TWENTY-SIX
AS SAPPHIRE walked down the aisle, hindi niya akalain na hindi na pala katulad ng unang naramdaman ng kinasal sila ni Johann more than two months ago ang mararamdaman niya ngayon. To think na symbolic wedding lang naman ang kasalang ito.
Sure, she's nervous at their first wedding. Pero ngayon, nahalo na ang excitement at lahat na ng emosyon na puwede niyang maramdaman. Parang gusto niyang tumakbo na kay Johann but at the same time, gusto niya ring tumakbo paalis... argh! Damn, wedding jitters!
Si Johann na naghihintay sa kanya, mukhang okay naman na. Mas sumingkit lang ang mga mata dahil sa pagkusot-kusot nito kanina. Nakangiti na ito habang nakatingin sa kanya.
Nang nasa harap na siya nito, kinuha nito ang kamay niya.
"O, bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong nito sa kanya. "Kinakabahan kang magpakasal ulit sa'kin?"
She chukled. "Silly. Bakit naman ako kakabahan?"
"Hindi na lang 'to basta para sa isang taon, Sapphire," sabi nito habang naglalakad silang dalawa palapit sa altar. "Buong buhay na 'to."
"I know," she smilingly said. "I'm ready to love you for the rest of my lifetime, Johann."
Parang nanginig ito kaya napasulyap siya rito at nakita niyang sobrang laki ng pagkakangiti nito. Namumula pa ang tainga.
Mahina siyang natawa. "Don't tell me na kinikilig ka?" she teased him.
Umiwas ito ng tingin sa kanya at halatang pinipigilan na ang pagkakangiti. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Yiee. Blushing groom!" pang-aasar niya pa.
"Ehh..." parang babaeng angal nito.
Muntikan na siyang mapatili ng sinundot nito ang tagiliran niya at napaigtad siya.
Umayos lang sila nang nasa harap na nila ang isang reverent pastor at sinimulan na nilang magdasal.
Maya-maya pa'y magkaharap na sila ni Johann para sa exchanging of vows.
Magsasalita na sana siya ng vows niya na siya na mismo ang gumawa nang pigilan siya ni Johann.
"Huwag ka nang masyadong magsalita, Misis. Ayokong mapagod ka."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Ayaw mo lang yata makita ng lahat kung paano ka kiligin, eh."
Ngumisi ito. "Ayoko lang makita nila na maiyak ako rito. Dahil alam kong lahat ng lalabas sa mga labi mo ngayon, tatagos lahat sa puso ko. Sapat na sa'king marinig na mahal mo 'ko."
Ganoon ba iyon? Okay, then. Sasabihin niya na lang ang mga gusto niyang sabihin kapag silang dalawa na lang. Ang mahalaga lang naman talaga ngayon ay mapangako niya sa harap ng Diyos na mamahalin niya si Johann.
Dahil suot na ni Johann ang wedding ring nito, hinawakan niya na lang ng mahigpit ang dalawang kamay nito at sinalubong ang mga tingin nito.
"I love you, Johann. And I promise to continue loving you every single day that the Lord will make," madamdaming sabi niya na ikinangiti nito. "I just want to thank you now for being who you are and what you are. Thank you for showing me what it felt like to be cherished and to be kissed by a real man like you. I don't care if you sound so gay sometimes, I love it. I love you just the way you are. Kahit walang abs."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...