CHAPTER SEVEN
ANG plano pala na naiisip ni Sapphire ay tungkol sa pagtulong sa tatlong pinsan nito na makapagmove-on mula sa mga pinsan ni Johann. Ang gagawin nila ay isasama nila ang kanya-kanyang pinsan sa bakasyon nila at saka magsasabwatan sila ni Johann para makulong sa kuwarto ang mga magkakaparehang dapat magkalinawan at magka-closure katulad na lang ng pinsan ni Johann na si Gideon at ang pinsan niyang si Haley.
Iyon ang tinutukoy ni Sapphire na pagiging productive! Ang makatulong sa problemang pag-ibig ng mga pinsan niyang babae.
"Ah, okay," tumatangu-tangong sabi ni Johann. "Akala ko kasi ang naisip mong productive ay okay nang mag-'ano' tayo kaya kita hinalikan."
Malakas na hinampas niya ito ng unan. Naiinis na tumili siya pagkatapos. "You, bastard! That was my first kiss!" Gigil na gigil siya! Hinalikan siya nito sa malaking akala.
"Sorry na. You responded to my kiss, so I thought that you wanted it too."
Napatili na naman siya at hinampas muli ito ng unan. Pinaalala pa nito ang kagagahan din na ginawa niya! Oh, how can she kiss him back? Hindi niya alam paano humalik pero... pero.. for goodness sake! She kissed him back!
Nangako siya sa sarili niya na wala kahit kailan ang makakahalik sa kanya na lalaki. But that promise was broken!
"K-Kalimutan mo na lang iyong nangyari. O kaya, isipin mo, friendly kiss lang iyon. Ganoon na lang."
Hindi na siya umimik. Humiga na lang siya ng kama at nagtalukbong ng kumot. "I hate you."
She heard him sighed. "Ang liit-liit naaman nitong pinag-aawayan natin. Unang araw pa lang natin, away na tayo ng away. Paano pa sa susunod na 365 days?
"The kiss is a big deal for me, Johann. For almost twenty-eight years of existence, iningatan kong hindi ako mahalikan. I hated boys to the core. I hated how they can easily hurt girls. So, no guy deserved my kiss. Dahil iisipin niyong bumigay na kami. Na mabilis niyo na kaming mapapasunod sa mga gusto niyo."
"Ganun ba iyon? Sige nga, maglinis ka ng banyo."
"I hate you!"
"Sorry na mali ako ng akala. Pero hindi ako magso-sorry na hinalikan kita. Masarap kaya."
Matinis na naman siyang napatili. Because her mind wanted to agree. Johann's kiss was good. No, it's great! Para siyang nakaramdam ng karerahan sa dibdib niya. Nakarinig pa nga ata siya ng fireworks, what the hell?
"Huwag ka nang mag-aalala, Sapphire. Hindi ako katulad ng ibang lalake. Hindi porket nahalikan na kita, iisipin ko agad na easy-easy ka lang. I know that you're different."
"Buti alam mo."
"Kaya nga, peace na tayo. Ayokong nagagalit ka sa'kin. Ayokong nag-aaway tayo." Naramdaman niya ang kamay ni Johann sa magkabilang balikat niya. "Misis, please?"
"Kakalimutan na lang natin ang kiss na iyon?"
Matagal bago ito sumagot. Inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa ulo niya at tinignan ito.
"Kung gusto mo talagang kalimutan, sige," kibit-balikat na sabi nito.
"We will never discuss it again. As in never."
BINABASA MO ANG
The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - Published
HumorNagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo naman sila ni Johann. Excempted ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Friends" naman kasi sila. Han...